SINGLE

Single na naman ako. Hahaha! Naging in a relationshit este relationship kasi ako. Pero di naglast. Baka hindi meant to be. Sabi ko dun sa isang blog ko, kung para sayo, dapat gawin mo ang lahat para maging sayo. Kaya lang, may mga bagay na hindi na talaga pwede. Lalo na kung may ibang tao ng involved.

Masaya naman kami. Until one day, wala na. Hahaha! Eh kasi may nahanap na siyang iba. May bago or luma na siya. Pero ako? Never akong naghanap ng iba nung kami. Kasi ang love or relationship eh hindi naman parang multiple choice na marami kang choices. Pwedeng A or B kung may mali yung A. Pwede pa ngang all of the above. Ang love parang 3 in 1 nescafe. Wag ka maghahanap ng ibang flavor like (chocolate, mocha) lalo na kung may original ka pa. Oo, sweet yung mga yun compare sa original. Oo, mas bago yun kesa sa original. Pero tandaan niyo: ang sobrang tamis, NAKAKAUMAY! At di naman sagot ang paghahanap ng bago at tumikim ng iba lalo na kung may original ka. Dahil ang kailangan mo lang eh adjustment. Kung mejo nakukulangan ka ng tamis sa original, pwede mo namang dagdagan na lang ng asukal. Minsan sayo din dapat manggaling eh. Kasi baka yun na ang 10000000% ng original. Minsan kailangan magbigay ka din. Baka kaya siya matabang kasi di mo siya nilalagyan ng asukal. Baka ganun din kasi pinapakita mo. Dahil bandang huli, hahanap hanapin mo rin ang lasa ng original lalo na kung talagang mahal mo. Kaya ako? Minsan di ako naniniwala dun sa mga sinasabi nila na minsan tumikim din tayo ng iba. Ano yun? Pagkain lang? Pag di mo feel kumain ng adobo, kakain ka ng iba. Kung anong meron ka, magpasalamat ka. Hindi yung naghahanap ka ng iba. Kaya ako? Natuto na ako. Oo, before kasi sobrang tumitikim ako ng iba. (Di naman literal na sex) nambababae lang kasi hindi mabigay nung isa yung gusto ko. Naisip ko, baka yun na yung 101% niya. Tapos sasaktan ko pa. Kaya hindi na. =)

Aynako. Basta ako, i-eenjoy ko ulit tong pagiging single ko. Di na ako masyado pumaparty at umiinom. Kasi minsan, di naman nakakatulong. Yun nga lang, kahit papano nababawasan yung sakit pag lasing ka na. Kasi maaga ka nakakatulog. Nakakalimutan mong masama yung pakiramdam mo. Nakoooooo! Parang sumasapi na naman sakin si Popoy. Hahaha! Ayoko na! Lol.

Pero sobrang okay ako na okay siya. Yung ex ko. Di na ako bitter na may iba siya. Okay lang sakin. She looks so happy naman. Inistalk ko kasi facebook niya. Hahaha! Pero last na yun. Di na mauulit. Kasi sobrang di nakakatulong sa pagmo-move on. Sabi nga ng friend ko, yan daw ang unang tanggalin ko. Ang tignan kung anong ginagawa niya. For me, di naman sa curious ako kung anong ginagawa niya. Or gusto kong malaman kung may iba na or anong happenings sa buhay niya. Ako kasi, gusto ko masigurado na happy siya kaya ako nagstalk. Lahat ng mga ex ko, happy na. Si Jessica, yung babaeng sobrang minahal ko.. Ikakasal na. Dati, stalker ako nun. Pero after ko malaman yun and after kong makita mga pictures nila ng fiancé niya sa Ilocos, okay na okay na ako! Kasi alam ko masaya na siya. Sobrang happy. And parang ako, naging happy na rin after. Parang natural na lang na naging masaya ako kasi di ko na makikita sa mga mata niya na nasasaktan siya dahil sakin. Naalala ko. Inistalk ko siya nung nagbreak kami. Sobrang nakita ko sa mata niya na nasaktan ko siya. At kasalanan ko talaga yun bakit nagkaganun. Nakakaiyak. Gusto ko siya yakapin kaya lang natatakot ako baka di niya ako tanggapin. Kaya hindi na lang. Si Ria, dati iniistalk ko rin sa facebook yun. Nakita kong happy siya sa lovelife niya, tumigil na rin ako. Saka umpisa palang, alam kong kaya kami naghiwalay eh dahil meron na siyang iba. And now, nakita kong happy na siya, happy na rin ako. Deserve naman nila lahat yun. At ako lang ang hindi. Hahaha!

O, di ako nagda-drama! Ganun talaga pag dati kang babaero! Kinakarma. Kaya kayong mga boys, bata man o matanda na. Tigilan niyo na. Hindi natin mahahanap ang true love sa pambababae. Ang totoong true love makikita natin sa puso. At kay Lord. Minsan nga tinanong ako ng friend ko, pano ko daw nakakayanan yung heartbreak na parang kaya kong ipakita na di ako nasasaktan. Di naman sa hindi mo pinapakita. Nandun yung sakit. Pero sanay ka na. Okay ka na. At dahil nga dun, bibigyan ko kayo ng tips para maging masaya ng single. Actually, di ko pa naa-apply sa sarili ko yung ibang mga naiisip ko. Pero soon.

1. Magdasal ka. Ako kasi, nag-ask kay God ng help. Nag-ask kay God na baka pwede niya kong tulungan na makalimot. Na baka pwede niyang tanggalin yung sakit. Oo, hindi niya nagawang tanggalin agad. Pero happy naman ako. Kasi kahit papano, ginagawa niya akong masaya. Hindi man tinanggal yung sakit, pero masaya. Anjan yung mga friends ko, family. Kaya super happy na rin.
2. Tama na ang pag-asang magmemessage siya. Ako, binura ko na yung number niya (kahit kabisado ko) para di na ako magkakaron ng pagkakataon na itext siya, imessage siya or kahit ano. Kasi tatamarin akong itype yung number niya. Unlike before. Nakalagay na name niya sa phone ko, AA LOVE hahaha! Para mabilis itext. Ngayon, wala na.
3. Burahin mo na lahat ng text niya. Yung sinasabi niyang mahal ka niya, di ka niya iiwan. Ako lahat binura ko na. Except yung mga importante. Kunwari nagtext siya ng address ng ganito. May tinanong ako regarding sa ganito. Parang pang friends na text messages.
4. Burahin mo na lahat ng pictures. Tanggalin mo na yung wallpaper mo na picture niya. Kasi habang anjan yan, di mo magagawang maging masaya. Makakasave ka pa ng space sa phone mo.
5. Lumabas ka. Makipagbonding ka sa mga friends mo. Ako ginagawa ko yun. Kaya nga lately, mas nalalaman ko kung anong kahalagahan ng friends sa buhay mo. Oo, alam ko na yun before pa. Pero alam mo yung feeling na hindi mo sila pinapansin nung may ka-relasyon ka, tapos ngayon anjan sila para sayo. Wow. Thanks guys!
6. Gugulin ang oras sa work or school. Sobrang nakakatulong sakin ang mag-work ng malayo. Ang maging malayo sakanya ng sobra. Like ngayon, miles away talaga kami. At inuubos ko ang oras ko sa work. Inuuna ko muna buuin yung castle ko. Kesa sa magiging family ko. Para soon, pag okay na ang lahat, dun ko na ititira yung Queen ko. Yung Prince and Princess ko. =)
7. Gumawa ka ng blog. Kung saan pwede mo ilabas lahat ng nararamdaman mo. Di naman kailangan super galing mo magsulat. Kahit tagalog or English, okay lang! Basta ang importante, mailabas mo ang lahat.
8. Mahalin mo ang sarili mo. Walang magmamahal sayong iba kung di mo mahal ang sarili mo. I-enjoy mo ng mag-isa. Magtravel ka mag-isa at mas makikilala mo ang sarili mo.

Yun lang muna. Ayoko kasi magdagdag pag di ko kayang gawin pa. Hahaha! Pero sa mga single jan, wag naman kayo maging malungkot na single kayo. Hindi naman nakadepende ang kaligayahan mo sa ibang tao. Nasasayo yun. Kung di ka na niya mahal, edi hindi na. Wag mo ng ipilit. Soon, makikita mo rin ang babae/lalaking para sayo. Wag ka lang magmadali. Hayaan mong dumating sa point na sila naman ang gagawa ng blog tungkol sayo dahil di nila makalimutan lahat ng mga pinaramdaman mong kaligayahan sakanila! =)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?