BESTFRIENDzoned.
Hahaha! Ayoko sana mag-react eh. Pero napilitan ako dahil pinaguusapan na namin ng mga co-workers ko yan! Hahaha!
Nung una talaga, alam ko na. Hindi pa lumalabas yung "bestfriend" issue ni Ahron kay Kakai, alam ko na iba. Sinabi ko yan sa mga kasama ko sa work. Sabi ko, ako bilang lalaki. Iba ang tingin ko kay Ahron pag tinitignan ko mga pictures nila ni Kakai. Sabi nga nung isang kasama ko ng magkaalaman na, grabe! Ang galing mo palang makaramdam. Or makakilatis. Sobrang tama ka. Hahaha!
Hindi naman sa sinasabi kong walang magkakagusto kay Kakai ha. Yung sinasabi kong iba ang tingin ko kay Ahron. Sobrang gusto ko si Kakai. Sobrang idol ko siya. Maganda boses. Maganda siya inside and out. Yun lang, mali ng lalaki.
Sabi ko sa mga co-workers ko, "di niyan gusto si Kakai. Obvious sa pictures! Kaya di yan mag-boyfriend" sabi nga nila sakin, grabe daw ako. Pero di sa ganun. Alam ko lang hilatsa ng mukha ng mga manggagamit! Sorry Ahron! Dahil nagamit ko na rin yang "BESTFRIEND" at yung pa-sweet at pa-fall sa isang girl. At oo, jinudge ako ng mga tao. Pero ako, aminado ako na ginamit ko yung "bestfriend" ko para lang masabing masaya ako. Pero honestly, hindi ako masaya. Hanggang sa dumating sa point na nalaman kong nafo-fall na siya sakin. Ramdam mo naman eh. Kaya ako, tinigil ko. Eh ikaw mukhang tinuloy mo pa at nag-enjoy ka. Sorry bro! Yun ang nakikita ko sayo. Then one day, yung kasama ko sa work eh bina-browse yung IG mo. Binabasa nga namin yung mga captions. Hahaha. Natawa ako. Meron dung picture na kasama mo si Kakai na sinundo ka niya sa airport. (Hoy! Hindi siya malapit sa airport! Nag-effort lang talaga siya na masundo ka!) Tapos sabi mo, ang ganda ng camera niya. Tapos sabi mo pa pahiram! Hahaha! Sabi ko dun sa kasama ko sa work, pustahan tayo. Bibilhan ni Kakai yan ng camera. Sabi niya sakin, deal. Sabi ko, ang deal namin ililibre niya ako ng 50.00 na calamares! Tapos dumating ang birthday mo. Nakita ko may bago kang camera. Hahaha! (Edi nakakain ako ng calamares na 50.00) Wag mong ideny na hindi ka nagparinig kay Kakai dahil gawain ko din yan. Nakakatawa lang kasi ngayon binura mo na yung mga photos niyo ni Kakai sa IG mo. Yes, sabi mo nga may reason bakit mo binura sa social media mo yun. Pero db sabi mo BESTFRIEND? Pucha naman! Asan ang pagiging bestfriend mo niyan? Para tuloy mas naptunayan mo na manggagamit ka nga. Sorry ha. Hahaha! Pero sana, wag ganun. Hindi kita jinajudge. Yun kasi ang pinakita mo. Hindi judgment tawag dun. Kasi pinatunayan mo. Hahaha! Magkaiba yung hinusgahan ka ng walang patunay. Sa hinusgahan ka, pero in the end.. Napatunayan mo. Tsk.
Ang hirap kaya ng ganun. Ako, sobrang na-guilty ako. Wala naman akong pinabili dun sa bestfriend ko. Wala akong pinagawa. Yun nga lang, inalagaan niya ako na parang boyfriend niya. Yung tipong pag nagugutom ako, pinagluluto niya ako. Pag may sakit ako, sakanya ko sinasabi kasi alam ko darating siya para alagaan ako. Nakaka-guilty. Kasi alam kong wala akong feelings sakanya pero parang tinuloy ko na maging sweet sakanya. At ang ending? Nag-away kami. Naghiwalay. Tapos dumating sa point na ako na yung umiiyak kasi namimiss ko yung taong laging anjan sa tabi ko. Yung babaeng di ako iniwan. Dahil kahit nagalit siya sakin, alam kong anjan lang siya. Ako lang talaga ang nahiya na lumapit sakanya.
Boys,
Please naman. Magpakalalaki naman tayo. Wag tayong gumamit ng kahinaan ng mga babae para lang sa ikasasaya natin. Wag pa-fall. Pag bestfriend, bestfriend lang ang ipakita. Wag pa-sweet! Di tayo ginawa ni God para saktan ang mga babae. Kaya tayo ginawa ni Lord para meron silang sandalan pag di na nila kaya ang problema. Para protektahan sila. Para mahalin. Hindi para gamitin. Abusuhin at saktan.
Girls,
Wag masyadong assuming. Wag masyadong mag-expect. Minsan ang pinapakita ng isang lalaki ay isang patibong lang. Makiramdam para di masaktan. Wag laging lalaki ang bestfriend. Maghanap din ng babae. Para merong babatok sayo pag nafo-fall ka na sa di tamang lalaki.
Sa ex-bestfriend ko,
Sorry kung nasaktan kita. Namimiss ko na pag pinagluluto mo ko. Pag magkasama tayo, sobrang masaya ako. Pero di talaga ikaw ang tinitibok ng puso ko nung panahon na yun. Alam mo namang may iba akong mahal. At hanggang ngayon, siya pa rin ang gusto ko. Alam mo na yan. Pero lagi kong pinagdadasal na sana mahanap mo yung right guy na magmamahal sayo. Kasi alam ko, yun na lang ang kulang sayo. Sobrang nakita ko na successful ka na sa career mo, may sarili ka ng bahay at kotse. Sobrang stable ka na. Boyfriend na lang kulang! Hehe! Alam ko darating din yun. Hintay ka lang.
And to Kakai Bautista,
Hi. I know di mo naman mapapansin tong blog ko. Kasi di naman tayo magkakilala. Pero gusto kong malaman mo na MAGANDA KA. Inside and outside. Napapatawa mo ko. Napapasaya. Nagtataka nga ako, bakit ngayon ka lang sumikat. Samantalang nuon pa, nakikita na kita. May malaki ka pa ngang tarpaulin sa dating school mo. Sa IHMS. Wag mo na damdamin kung anong ginawa niya sayo. Di ka deserving na masaktan. Di ka deserving na umiyak. I know darating din ang lalaki na para sayo. Wag kang magsasawa na magpasaya samin. Dahil ngayon palang, inaassure na kita. Si God ang gagawa ng paraan para maging fully masaya ka. Sa lovelife and sa buhay. Smiling starts the healing.

Comments
Post a Comment