Pano ako mag-move on: Baka makatulong
May nagtanong sakin. Ano daw ginagawa ko pag broken-hearted ako. Hmm. Ako kasi tinotorture ko sarili ko. Nakikinig ako ng lovesongs. Nanunuod ako ng love stories. Ganun. Ayoko yung mga happy songs para maging happy lang. Tapos pag nakikinig ng lovesongs, iiyak na. Papakinggan ko muna mga kanta namin. Kung may theme song kami, yun muna. Tapos magreminisce. Magbabasa ng old messages. Babasahin ko lahat ng paulit-ulit lahat ng text messages niya. Kaya alam niyo, yung lumang phone ko. 6600 nasa akin pa. Pati N70. Pati Nokia C3. Lahat yan buhay pa. Tinago ko. Kasi halos lahat ng text messages sakin, andun. Yun. Ganun ako. Tapos paulit-ulit kong babasahin. Yan e kung talagang wala ng chance na magkabalikan ah. Tapos iinom. Magpapakalasing. Tapos itetext ko siya. Kung gano ko siya kamahal. Kahit alam kong di niya ako rereplyan. Kahit alam kong busy na siya sa iba or something. Kahit alam kong galit siya. Ganun. Ipapaalala ko sakanya lahat. Ikukwento ko gano ako nahihirapan na wala na kami. =(
Tapos iiyak ulit. Makikinig ng lovesongs. Tapos ang nakakabwisit? Sa lahat ng relasyon ko may sagot yung star cinema. I mean laging may movie na nakakarelate ako. Parang ngayon. Yung ex and whys. Parang mejo tama lang sakin. Kasi my friends are thinking na playboy ako. Kahit hindi naman. I remember pa dun sa trailer yung part na for example nagsex si Enrique and Liza na kinulong sila. Pero hindi talaga. Pinalabas lang para di masira yung name. Hahaha! So me! Kasi I know sa sarili ko na kahit ganun tingin nila sakin, hindi ako ganun. At hindi lahat ng akala ng iba, tama pagdating sayo. Tapos meron pa dun. "Pangit ba ako?" "Kapalit palit ba ako?" Parang mejo nasaktan lang ako. Kasi naranasan kong itanong sa sarili ko yun. Kung kapalit palit ba ako? Na kahit ginawa ko naman ang lahat, bakit pinalitan ako? Bakit pinagpalit? So parang laging may sagot yung Star Cinema. Hahaha! Tapos kapag may ganun na, papanuorin ko yun. Iiyak. Pag nakita ako ng mama ko na umiiyak, sasabihin ko lang nakakaiyak palabas. Tapos lalabas. Paparty. Iinom. Hanggang sa makatulog ako. Malalaman mong broken-hearted ako pag for example nagtext ka 8:01am. Nagreply ako ng 8:02 (dapat sinabi ko na na inaantok pa ako kaya di na ako magrereply kaya pag wala, alam mo na.) Tapos nagreply ka ng 8:03. Tapos di na ako nagreply. Tapos rereplyan kita after na kagigising ko lang. Meaning broken ako. Not my usual time ng gising sa umaga ang 8. Madalas 5 or 6 gising na ako. Ibig sabihin may dinaramdam ako. =(
Sinisipon ako kahit di panahon ng sipon. Ibig sabihin umiyak ako. Pag nakarinig ako ng lovesong na tama sa feelings ko, iiyak na lang ako bigla. Pero magdadahilan ako na inaantok lang ako. Or mahapdi mata ko. (Madaling maniwala sila. Kasi alam nilang inoperahan ako sa mata e) kaya nga kirat ako. Pero di nila alam, sabog na sabog na ako sa loob. Kaya dinadaan ko na lang sa blog. Sa totoo lang, konti lang may alam na blog ko to. Ayaw ko kasing malaman nila gano ako ka-weak. I mean, oo. Alam naman nila na may weakness ako. Pero hindi na para malaman nila lahat ng pinagdadaanan ko. Baka they use it against me kahit na yung iba pinagkakatiwalaan ko. Mahirap na.
Ano pa ba ginagawa ko pag broken? Hmm, naliligo ako sa ulan pag umulan. Kasi I can cry. Gaya ngayon, February 2. Umulan. Lumabas ako ng office. Kahit na mejo mahina lang. There's something about rain talaga na di ko ma-explain bakit gusto ko. So yun. Nagpaulan ako. Goodluck kung magkasipon ako. Atleast I was able to feel ulit the rain. Pumapatak sa ulo ko and sa mukha ko. Ano pa? Yun lang siguro. Hahaha! Grabe. Effort ko talaga sagutin yun. Ay may tinanong pa pala siya. Anong klase daw ng love songs pinapakinggan ko. Halo e! RNB, old songs. Basta makakarelate ako.
Hahaha. Basta pag broken kayo, isa lang advice ko. Sa umpisa, kailangan i-torture mo sarili mo para isang iyakan na lang. Paulit ulit mo ng pakinggan yung nakakapagpaiyak sayo. Paulit ulit mong tignan picture nila (kung pinagpalit ka) stalk mo siya. Basahin mo ng paulit ulit mga old messages niya. Wag mo buburahin. Sign of bitterness yun. Burahin mo pag totally healed ka na. Lahat ng makakapagpasakit ng damdamin mo gawin mo. Pumunta ka sa mga lugar na pinupuntahan niyo. Magreminisce ka. Uminom ka. Magparty ka. Umiyak ka. Tapos after nun, gawin mong busy sarili mo. Kung may work ka, magfocus ka. Kung nag-aaral ka, mag-aral ka muna. Tapos from there, magiging okay ka na. Kapag inasar ka ng mga kaibigan mo dun sa song na yun, wala na effect. Kasi paulit ulit mo na siyang pinatugtog. Ilang beses ka na umiyak e. Kapag nagpunta ka dun sa lugar na pinupuntahan niyo, di mo na siya masyado maiisip. Kasi nagpunta ka na dun. Nakagawa ka na ng bagong memory nung nag-reminisce ka. Kahit may mga bubog ka dun sa lugar na yun, okay lang. Apakan mo lahat. Hanggang masaktan ka. Pero sure ako, pagbalik mo wala ng bubog. Kasi okay ka na. Naapakan mo na. Sobrang helpful. Wag mo rin siya iiwasan. Wag mo delete sa FB friends mo. Dahil ikaw lang din mahihirapan. After mo siya delete, sasabihin mo sa friends mo, i-check mga ginagawa niya. Para kang tanga. Nandadamay ka pa. Wag mo rin burahin number niya. Dahil kabisado mo naman yan e. Aminin mo man o hindi. Kabisado mo yan. Kaya walang kwenta yung pagbura bura mo ng number. Hayaan mo lang siyang magstay dun. Para sa susunod na makikita mo number niya, kakayanin mo na. And most importantly, pray. Pray kay God. Pray na sana maging okay ka. Na sana gumaling ka kaagad. Yun.
Ganun.
Ganun ako mag-move on.
Comments
Post a Comment