VOW: Kwentong Jollibee Series
I saw the new commercial of Jollibee. February 9, 2017 | 11:00PM.
Haayy. Naiyak ako. Nangyari na sakin yun. Kaibigan lang turing niya sakin. Akala ko, gusto niya ako before kasi feeling ko nagselos siya dun sa mga model friends ko. At hindi ko lang feeling. Binigyan niya kasi ako ng hint na sabi niya, di daw siya nakikipag-compete sakanila. Unfortunately, hindi nangyari. Friend lang tingin niya sakin. 😢 iyak tawa na lang ako after kong malaman. Siyempre. Ang tagal kong tinago nung feelings ko. Hinanap ko siya. At nabigyan naman ako ng chance na makausap ulit siya. Kaya nga ayun. Pero mas masakit yung sa Jollibee. Yung bestfriend kayo. Parang di ko kaya. Sakit sa puso. Kaya nga iniwasan ko na lang siya. Baka kasi lalo akong ma-fall tapos di naman pala niya ako masasalo. 😢
Pero gaya ng sabi sa commercial, gusto ko lagi siyang masaya. Naging kami man o hindi. Kaya nga lumayo na ako. Baka kasi dun din siya sumaya. At sana talaga masaya siya. Kasi ayoko din ng sad siya.
Hi. Kung napanood mo yung Jollibee commercial, parang ganun yun. Hahaha! Yung ex mo saka ikaw, hinayaan ko na lang na maging masaya kayo before kahit gustung gusto kita. Kasi nakita ko sayo gano ka naging masaya sakanya. At sana talaga, kahit break na kayo, masaya ka pa din na lumayo ako sayo. Kasi sabi mo nga, kaibigan lang ako. Well, ganun talaga. Walang forever e. Kasi db? Kung gusto mo rin naman ako, di mo rin naman puputulin yung communication. I mean nagalit ka dahil sinasabi ko sayo feelings ko. Sabi mo tama na. Kaya thank you kasi binigyan mo ko agad ng sagot. Wala ng mga kung ano-ano pang paligoy ligoy. Kaya ko naman sanang mag-effort before kung may nakita akong chance. Kaya lang wala talaga. Maybe because sabi mo nga, nasa healing process ka pa. And mahal mo pa siya. Kaya yun. Tagal ko na ring naghintay. Matagal ko na rin namang sinabi na gusto kita. And siguro talagang ayaw mo sakin.
Pangit ba ako?
Punyeta. Hahaha! 😢 sakit lang. ayoko na nga. Buti na lang di ka na nagbabasa ng blog ko. Sure ako dun. Kaya I'm free na sabihin lahat. Baka pati dito, patigilin mo ko. Hahaha! Basta kung nasan ka man ngayon, sana safe ka. And happy ka. Yun na lang wish ko. Gusto ko sana ako makakapagpa-happy sayo noon. Pero nung nakita ko na wala akong kapasidad (lalim) na pasayahin ka, hayaan ko na lang na ang dagat at mga kaibigan mo ang makapagpasaya sayo.
Haayy. Bwisit na Jollibee.
Gusto ko na lang ng chickenjoy. 😢
Comments
Post a Comment