Rated SPG
Someone asked me: is it really important for you guys to have sex?
Hahahaha! Shit! For me? No. Sex yun e. I mean walang love. Sorry. Kasi gusto ko talaga, make love ang tawag dun kasi ginagawa lang yun ng dalawang tao na nagmamahalan na gustong maging isa. If ang question is: is it really important for us to make love? My answer is still no. Not that important pero hindi pwedeng WALA. Hindi siya yung kapag hindi mo nagawa ng 1 month, magkakasakit ka na. Hahaha! Pero siyempre, mas maganda kung meron.
Sa relationship ko lang inaapply to ah. Not sa mga one night stand or anything about sex na pang mabilisan. Hindi ko kasi ginagawa yun lalo na kung di ko naman girlfriend. Kasi pag ginawa mo yun, hinahanda mo na yung sarili mo sa isang bagay na alam mong pwedeng mangyari. Pero kung ginawa mo yun dahil gusto mo lang, mahirap yun. Kaya nga may mga tumatakbong lalaki sa responsibilidad na maging tatay. Bakit? Kasi di niya naman ginusto talaga yung nanay. Kasi kung ikaw lalaki ka, nakita mo sa girlfriend mo na siya na yung forever mo, kahit na di ka pa ready, alam mong papanagutan mo siya. Mahirap man sa una. Yun lang.
Tapos tinanong niya ako, lahat ba ng lalaki malibog? Hahaha! Natawa nga ako. Kasi bakit pag kalibugan ang pinaguusapan, lalaki lang???? Hello. Ang babae din malibog. Lahat ng tao may tinatagong libog sa katawan. Its just that may mga taong nilalabas ang libog sa katawan sa ibang paraan. Sa pangmamanyak, sa pakikipagsex sa iba't ibang babae or lalaki na nakikilala sa bar, mga ganun. Ako kasi, malibog ako. Pero sinisigurado ko na sa tamang lugar, tamang oras at tamang tao. Hindi pwedeng nakakita lang ako ng panty or cleavage, tinitigasan na ako. Hindi ganun. Yung sakin, kapag naglalambing ako sa taong mahal ko, kapag naguusap kami ng future and blah blah. And nasa tamang lugar. Baka naman nalilibugan ka habang nasa kalagitnaan ng trip niyo sa LRT tapos bigla mong dadakmain, mali yun. Kung sakali mang nagkaganon, ibaling mo sa iba yung isip mo. Mahirap kasi. Isipin mo, lahat sila makikita na ganun kayo. Tapos sasabihin mo judgmental mga tao? Eh pucha! Ikaw mismo sa sarili mo nagpakita na dapat ka naming ijudge na manyak ka.
Ako sa taong mahal ko, malibog ako. Pero nasa tamang oras, lugar naman. Sinisigurado ko na sakanya lang ako ganun. Kasi siya naman talaga ang mahal ko. Wala namang iba.
Kaya kayo din. Sana matutunan nating lahat ang kahalagahan at ang kaibahan ng sex sa make love. Lahat pwedeng makipagsex sa kahit kanino, pero konti na lang kaming mga lover boy na nakikipagmakelove sa isang tao lang habang nasa relasyon.
To my future wife:
Wag ka mag-alala. Sayo lang ako. ❤
Sayo lang ako makikipagmake love.
I love you.
Comments
Post a Comment