BITTER
Hahaha!! Binasa mo!
Bakit? Bitter ka?
Hahaha! Hmm.. Bakit nga ba nagkakaron ng mga bitter sa mundo!? Eh dahil na rin siguro sa mga taong di marunong tumupad sa pangako..
Ako? Minsan na rin naman akong naging bitter. Bitter sa lahat. Nagagalit ako.. But in the end, alam ko at guilty ako na yung maling nagawa o nasabi ko sa taong kina-bibitteran ko ay hindi talaga maganda.. Hindi maganda ang epekto. At hindi maganda na nagpapa-apekto.
Pero sa totoo lang kasi, ang hirap na hindi magpa-apekto.. Yung tipong pretend pretend na okay sayo pero deep inside, ang sakit sakit na.. At yung pain, dinadaan natin sa pagiging bitter sa tao..
Ako? Iniisip ko na lang.. May mga bagay na nakalaan para sakin.. Lalo na sa babae. Masyado kasi akong magmahal eh.. Kaya pag iniwan ako, nagiging bitter ako..
Pero di niyo rin naman ako masisisi.. Kasi siyempre. Matagal kong pinangarap na magkaron ng matatag na lovelife.. Yung talagang.. Para sakin na? Yung gusto ko na pakasalan. And 2x na ata nangyari yan.. Na yung taong mahal ko, gusto ko na pakasalan.. Kaya lang.. Ganito ganyan.. Yung ganun. Pero di naman pwede yun eh..
Sa ngayon siguro di pa pwede.. Pero sa mga susunod, baka pwede na.. Masyado ata akong nagmadali at sumeryoso sa babaeng yun. Kaya naging bitter ako. Hahaha!!
Pero okay naman na ko ngayon kung tatanungin niyo.. Ayoko na maging bitter. Nagkakaron lang ako ng wrinkles and siyempre. Sama ng loob dun sa tao which is ayokong mangyari..
Kahit alam kong pwede ring sumama loob ko sakanya.. Oo. Masama rin loob ko. Di naman kasi lahat ng sisi, sa akin. Siyempre. May mga nagawa rin siya para magkaganito ako..
Pero ayoko ng isipin.. Kasi maiksi lang ang buhay.. And I realized, tumatanda na ko.. Di na ko dapat masyado nagpapa-apekto sa ganyan.. Parang nung isang araw..
Alam ko tumaas talaga BP ko.. Hahaha. Eh ayoko na din dumagdag pa yun. Kaya kayo.. Kayong mga bitter jan..
Magdasal na lang tayo kay God na sana maging okay na tayo.. Na sana.. Maging okay ang lahat.. Na mawala yung sama ng loob o galit..
Tsaka na-realized ko, meron din namang maganda na napapala sa pagiging bitter. kasi nakaka-moved on ka.. =)
kasi based on experience.
pero okay na rin naman yun.
at narealized ko rin..
Kung hindi para sayo, hindi para sayo.. At alam kong dumating na ko sa point na nalaman kong hindi siya para sakin.. Kaya ako? Okay na ko. =)
Sana kayo din.
Published with Blogger-droid v2.0.10
Comments
Post a Comment