Old Phone
Huhu. I'll say goodbye na sa old phone ko. Reason? Upgrading phone. Ayoko sana i-let go. Pero di naman pwede na itambak ko yung lahat ng phone ko kasi ayoko lang silang mawala.. =(
Isa sa pinakamasakit na part to. Ang i-let go ang isang bagay na maraming memories. Nokia C3 kasi yun. Maraming memories kasi una, binili ko yun para same kami ng ex ko before.. Marami siyang old messages dun nung 2010 pa.
Mga friends ko na nagtetext ng happy birthday at mga I miss you nila sakin at messages..
Next, yung messages namin nung sumunod kong girlfriend. Siyempre. Andun pa yung messages namin ng nanay niya and ng kapatid niya. Ang hirap i-let go.. Haayy.
Pero I need to. Hindi naman kasi pwedeng i-preserve ko lang kung pwede ko namang ibenta db? Lalo na kung yung makakabili nun eh makakatulong sakanya.. For almost 4yrs.. Gamit ko na yung phone na yun. At ngayon, pakakawalan ko na..
Andaming memories. Pero sabi sakin nung friend ko.. Minsan kailangan ko daw bitawan yung mga memories na yun.. Dahil kahit ano naman daw mangyari, nangyari na yun. Tinext na yun. At wala akong dapat patunayan..
Natatakot kasi ako na mawala siya. Kasi.. Alam kong hindi na mauulit. Gaya ng messages ng ex ko.. Oo. Ex ko na siya. Wala ng feelings. Hindi na dapat ako manghinayang.. Pero alam mo yung feeling na..
Hindi na mauulit yun???
Yung sinabihan ka niya na mahal ka niya.. Oo. Wala ka ng paki dun. Naka-move on ka na eh.. Pero yung feeling na.. Wow!! Hanggang ngayon nababasa mo yun na sinabi niya yun sayo? Iba yung feeling eh.. Para bang alam mo na minsan.. Minahal ka niya. At pwede mong patunayan yun dahil may evidence ka.. =)
Pero wala eh. I need to let go. And alam ko walang buhay yung phone na yun.. Pero gusto kong malaman niya to..
Dear C3,
Alam ko walang chance na mabasa mo to. Walang chance or wala kang mararamdaman dito. Pero kung alam mo lang.. Naiiyak ako habang ginagawa ko to.. Kasi malapit na kitang bitawan eh.. Mamimiss kita. Andami nating pinagdaanan.. Andami ng headset na nasira.. Pero ikaw, anjan ka pa rin.. Andami ko na ring charger na nasira, pero buhay na buhay ka pa rin.. Ikaw ang saksi sa lahat ng naging kasiyahan ko.. Ikaw ang naging saksi sa mga oras na umiyak ako at naging masaya.. Nadinig mo lahat ng conversation ko sa ibang tao.. Haayy. Mamimiss ko lahat. =( pero kailangan na kitang i-let go kahit ayoko.. Haayy. Kung alam mo lang. Sa 4000+ na messages, salamat. Sa 8044:45:78 na calls.. Wala akong masasabi sayo.. Salamat. Bye.
Love,
Miguel
Published with Blogger-droid v2.0.10
Comments
Post a Comment