Its Called BREAK UP because its broken
YES!!!!
It’s
called break up because it’s broken!!!
Bakit
nga ba? Eh kasi nga, madaming broken. Broken PROMISES. Broken Trust. Broken
Heart. Broken Hymen!! Broken etc.. Alam naman natin yun. At tama nga! Its
called break up! Kaya ngayon, alam na natin bakit sinasabi na break na kami..
kasi brineak niya yung promises niya na di ka niya iiwan. Siguro may feelings
pa. pero shit! Bat ka niya iniiwan ng ganun na lang? kasi nga, basag na basag
na siya. Di na niya alam kung mabubuo pa siya after..
Bakit
kaya ansakit makipagbreak?
Di
ko rin alam. Pero siguro, dahil nga sa broken promises. =( ang hirap kaya. Di
natin agad natatanggap na yung taong nangako satin ng kung ano-ano.. iiwan na
lang tayo ng basta. Kahit ako, nahihirapan akong tumanggap ng salitang
“BREAK
NA TAYO”
Haaay.
Ang hirap pero minsan kailangan nating tanggapin at intindihin.. may reason
naman siguro siya bakit siya nakipagbreak. Hindi naman sa wala lang. sana kaya
kong i-explain lahat. Di ko rin kasi alam. =( pero siguro, isa sa pinakamasakit
na break up eh yung mahal na mahal niyo pa rin ang isa’t isa.. pero kailangan
ng magpaalam. Kasi marami ng nasasaktan. Parehas na kayong basag. Na tipong di
niyo na kayang pagkatiwalaan ang isa’t isa.. na hindi mo na maibigay yung mga
bagay na dapat binibigay mo.. tulad ng trust.
Ang hirap ibigay ulit nun lalo na nasira. Yan ang pinakamahirap i-earn..
pero siyempre. Kailangan paghirapan natin.
Ano pa
ba ang masakit sa break up?
Minsan
nga mas gugustuhin mo na lang na sana masakit na lang ipin mo.. o kaya masakit
puson mo (para sa mga girls) kesa masakit yung puso mo.. wala naman kasing
gamot sa puso na kapag masakit, isang oras lang.. okay ka na. hindi katulad na
kapag masakit puson ng girls, bibili lang sila ng gamot, okay na after ilang
mins. Kapag masakit ulo mo, bili ka lang paracetamol.. pero pag puso, wala eh.
At kahit inumin mo pa ang sandamakmak na gamot sa botika, wala!! Hindi ka
gagaling. Kasi alam mo, walang makakagamot nun kundi yung taong mahal mo..
At
minsan, kung sino pa yung gamot mo, yun pa talaga ang mananakit sayo!
Badtrip!!!!! Hindi na nga ako naniwala sa sinabi ni Popoy na baka kaya tayo
iniiwan ng mga taong mahal natin eh baka may darating na mas better! Eh pucha!
Bumalik din naman siya sa taong nang-iwan sakanya... tapos ganun? Kaya minsan,
hindi ko pa rin alam ang dahilan bakit nawawala sila satin. Talaga bang
nagpabaya tayo? O kumalas lang talaga sila? Ewan ko. Naguguluhan na rin ako
eh..
Pero
lahat naman ng break up, masakit eh. Walang hindi. Depende na lang kung
talagang meron kang fall back. Gaya ko. Dati lagi akong may fall back. Ayokong
maiwan ako mag-isa.. ano yun? Kailangan masaktan ako at magmukmok? Pucha naman!
Tapos siya, lumalandi na? pero nagbago ang lahat ng maging masayang masaya ako
sa girlfriend ko before.. =) talagang wala akong fall back. Kasi alam ko, siya
na talaga ang para sakin.. talagang inisip ko na kami na.. pero hindi pa rin
eh.. pero alam niyo, maganda rin na wala. Kasi mararamdaman mo talaga yung
love. Proud na proud ako sa sarili ko that time. Kasi alam ko, wala akong
ginagawang masama..
Hindi
ako nagloloko.
Kahit
maraming dumadating di naman ako nagloko. As in talagang nilabanan ko ang
temptasyon! Hahaha! At infairness, masayang masaya ako para sa sarili ko.. =)
kasi sa mga sumunod na naging ka-relasyon ko, ganun rin. Di rin ako nagloko. Di
ako nambabae. At walang fallback. Yun nga lang, pag break na, ansakit. Pucha!
Di ko kinaya yung ganun! Halos maglumuhod ako sa lahat ng simbahan para lang
bumalik sakin. Hahaha! Pero dati yun. Di naman na ngayon.
Haayy.
Sana madali na lang ang salitang break up. Gaya ng sa move on, mahirap din to.
Pero lahat naman tayo dadaan dito. Nasa pagdadala na lang..
Kaya
kahit broken ka, smile lang..
SMILING
STARTS THE HEALING. =)
Comments
Post a Comment