"BESTFRIEND"
Tinanong ako. What if inagaw ng bestfriend ko ang girlfriend ko?
Parang mejo mahirap. Hahaha! Sakin, okay lang kung aagawin niya. Atleast napatunayan ko sa sarili ko na hindi siya karapat-dapat maging bestfriend at hindi yung girlfriend ko na inagaw niya ang forever ko.
Pero alam niyo, may mga time talaga na ganun ang nangyayari. Na inaagaw ng iba. Minsan di rin maganda yung term na inagaw. Its just that, baka na-fall sila. Kasi sa kakulangan sa atensyon mo na yung bestfriend mo ang nagbibigay at nagpupuno. Share ko lang. meron akong naging girlfriend before. Hindi siya maganda sa totoo lang! Lol. May bestfriend siya. Ngayon etong girlfriend ko, walang time sakin. Parehas sila ng course. Di lang sila classmate. Wala pa akong work nun. Tambay lang sa bahay. Tapos parehas sila ng uwian nung bestfriend niya. Minsan nagtext ako dun sa bestfriend niya kung sabay sila umuwi. Hindi daw. So text text na kami ng bestfriend niya. Hanggang sa naging close kami. E yung girlfriend ko nga, walang paki sakin. Di nga ako tinatawagan or tinetext minsan. So uso noon yung SUN Unli call and Text. Lagi ko ng tinatawagan yung bestfriend niya. Mangangamusta. At kung anu-ano pa. Until dumating sa point na na-fall na ako. Di ko na mahal yung girlfriend ko. Siya na mahal ko. Hanggang sa malaman ko. Etong girlfriend ko, galing ng all girls school. So mejo alam niyo na. Meron pala siyang dine-date na ang pangalan ay BREE. Short for Brianna. Punyeta! Selos ako ng selos dun sa Bree. Babae pala. Hanggang sa yun. Naghiwalay na kami. Naging sila ni Bree after namin. Tapos naging kami ng bestfriend niya for 5days ata! Wala pang 1 week, nagsumbong yung bestfriend niya sakanya na nilandi ko siya kaya nagkaron kami ng relasyon.
PUNYETA. Ako pa siniraan? Ako pa talaga lumandi sayo? Ako paaa??? Hindi ba tayong dalawa ang lumandi. Hindi ako lang? Ang unfair lang kasi. Feeling ko tuloy, ako lang nagmahal. Na landian lang pala. Na fuck fuck lang pala gusto? Na parang di niya pala kayang panindigan yung nangyari samin. Mas kakampi pa pala siya dun para malinis name niya sa family ng bestfriend niya and sa buong mga pamilya. Wala lang.
Enough na nga. Baka sumama na naman loob ko sakanila. Hahaha! Pero hindi. Wala na sakin yun. Ang pino-point ko lang dito, wag din natin sisihin yung mga nagka-inlove-an na bestfriend natin at girlfriend/boyfriend. Unang una, may kasalanan kayo or tayo. Bakit? Pano sila nagkaron ng TIME na magkasama? Pano sila nagkaron ng CHANCE na magawa yun? Nangyari sakin kaya alam ko. Binigyan niya ako ng chance para mas makilala yung bestfriend niya. Kasi yun pala, may ginagawa na siyang kakaiba. May iba na. Ang hirap lang kasi sana sinabi na lang niya. Parang ang dating, ako yung naging masama. Ako yung may mali sa relasyon kasi nilandi ko bestfriend niya. Pero hindi ba niya alam na kaya nangyari yun is because nabigyan niya ako ng time at chance na gawin yun?
At habang boyfriend niya ako, nagde-date sila ni Bree! Hi Bree!
Yung isang ex ko na crush ko yung bestfriend niya. Oo, hindi niya alam na crush ko. Pero hindi niya ako binigyan ng chance para ma-fall dun. May oras siya for me. Binigay niya sakin ang lahat. Walang kulang. So walang chance na magka-developan kami. Eh bakit yun? Kaya wag din natin sila sisihin kung ma-fall sila. May kasalanan din kasi tayo dun. Dalawa kasi kayong magwo-workout ng problema. Hindi tatlo! Baka kasi pati sa problema ng boyfriend or girlfriend mo, bestfriend pa rin.
Ako kasi talaga para sakin walang masamang tinapay sakin. Kung naging masama ka man sakin at ginawan mo ko ng masama, ikaw yun. Hindi ako. Basta ako, alam ko na ginagawa ko ang lahat para maging isang mabuting kaibigan. At hindi naman na ako nagtatanim ng sama ng loob. Kasi minsan di rin naman naiiwasan na may nagagawa din akong hindi maganda. Hindi man ganun kasama ng ginawa niya.
And ako, nainlove na din naman ako sa bestfriend ko. Pero sobrang tagal na nun. Hindi naging kami. Meron akong naging bestfriend na naging kami. Pero alam niyo yun? May tao talagang binebestfriend lang.
Kaya kung inagaw man ng bestfriend mo ang mahal mo, okay lang yun. ❤ makakahanap ka din ng bestfriend na hindi gagawin yun, at makakahanap ka din ng girlfriend or boyfriend na magiging loyal sayo.
srsly? grbe. alm mo migz nkkabilib ka. ganyan thinking mo. sarap mo cguro maging bf. :) swerte ng bbaeng mmhalin mo.
ReplyDeletekung available lng ako, mgppaligaw ako syo. charot
DeleteMasarap akong maging boyfriend? Hindi rin. Masama ugali ko. Hahaha! 😂
DeleteHindi ka na ba available? Sayang! Ligawan sana kita e! 😂
Delete