Love Month



Hi February! We'll bring love around the world this month because we are going to Malaysia, Singapore, Australia and Japan (work related). Hindi ako magiging bitter or kahit ano ngayon. I'm happy. Happiness is a choice naman e. Pero grabe. Ang sarap ng feeling ng inlove. Parang nakalutang sa ulap. Lagi kang naka-smile. May motivation and inspiration ka. Pero yan e kung wala kang ine-expect na kapalit. Pero kung nag-eexpect ka tapos wala naman siyang mabigay sayo, ouch yun. Saklap!

Ako? Ilang beses na akong nainlove. Mga 1000x na siguro. Hahaha! Malandi e. Lol. Seriously, mga 1000000x na. Kasi everytime na nakikipagrelasyon ako, everyday akong naiinlove dun sa tao. Hindi ko hinahayaang mawala yung feelings ko. Kaya nga never akong nakipagbreak because "hindi ko na mahal" or nababawasan na yung feelings. Ako kasi, magkaron ka man ng kasalanan sakin, magkamali ka man ng paulit-ulit, naiinlove pa rin ako. Lalo na sa mga naging ka-relasyon ko. Kung minsan man e nagkakaron ng pagtatalo or nakakapagsabi man ako ng hindi maganda sa kanya, its because gusto ko namang malaman niya na may limit din ako. Hindi ako unlimited pasensyoso. Pero at the end of the day, inlove pa rin ako. Hindi nabawasan, hindi nawala. Nagalit lang ako. Alam nila yan. Hindi kasi ako naniniwala sa nababawasan ang love e. Ano yun? Konting mali, hindi lang nagawa gusto mo, mawawala na yung feelings? Pano pag kinasal kayo? Hindi ka lang nadala sa beach sa birthday mo, annulment agad? Hindi ganun ang love. Dapat araw araw winowork out ang love. Para maging healthy. Hindi porket kumakain ka ng gulay araw araw at umiinom ka ng yakult or fit n right, magiging healthy ka na or papayat ka na. Kailangan mo rin ng exercise. Kailangan mo i-work out. Kailangan mo ng determination kung talagang gusto mo. Kailangan mo rin ng disiplina sa sarili yung ma-control mo sarili mo (na mambabae or manlalaki kasi alam mong meron ka na.) Kahit na minsan nakakapagod, nakakatamad. Kung gusto mo i-maintain yung healthy lifestyle mo. Ganun ang love. Hindi mo siya makukuha na patagalin sa pasweet sweet lang! Pasex sex lang! Walang ganun. Dapat araw araw winowork out niyo. Dapat sabay. At alam mong parehas kayo ng gusto. Na pang-forever na. Ganun. Hindi naman kasi siya yung basta masabi mo lang na love mo siya e. May halong effort dapat. At dapat ang love ay may HURTS. Honesty, Understanding, Respect, Trust and Sincerity. Ganun! Ang relasyon naman parang sasakyan yan. Kailangan lagi mong chinecheck. Baka may butas na gulong. Baka may gasgas na. Kailangan tinutune-up mo din. Para maganda pa rin ang takbo. At paminsan minsan, kailangan pinapa-carwash. Para mukhang bago ulit. Kapag may sira, kailangan ipa-ayos. Hindi nadadaan yun sa pag may sira, papalitan ng bagong kotse. Pag may sira, inaayos. Kapag nagloko, i-check mo bakit nagloko. Baka kasalanan mo. Baka bigla mo na lang hindi ginamit. Baka mas na-enjoy mo yung LRT. Kaya nagloko. Hahaha!

Andami ko ng na-share about sa lovelife ko. Ano pa ba? Hahaha. Wala naman na akong makitang exciting sa lovelife ko. Kasi lahat naman tapos na. Alangang pag-usapan na naman natin yung pinakamamahal kong chinese? Hahaha! O gusto niyo yung taga-Magsaysay? Hahahaha. Lol. Wag! Nagbabasa ng blog ko yun. Baka magalit na naman siya. Kasi siya yung "ang taba taba niya nung karelasyon ko siya e" lol. Hahaha!

Wala na akong ma-share about love. Basta ngayon, spread some love lang. Wag masyadong maging bitter kung walang ka-date. Malay niyo baka kaya wala pa kasi gusto ni Lord spend niyo yung Valentines niyo with your family. Gusto niya ipaalala sa inyo na hindi lang lovelife ang reason para i-celebrate ang Valentines.

=)

Sa mga may minamahal:
kung alam niyong siya na ang the one, please lang. wag niyo ng pakawalan yan. Ako na nagsasabi. Napakahirap magsisi. Yun ang pinaka-masakit sa lahat. Ang magsisi ka sa bagay na dating nasayo na, pinakawalan mo pa. Hawak mo na, binitawan mo pa. Nalala ko yung kwento sa UST Files yung kay Pia Wurtzbach. Di ko alam kung totoo yun. Pero napakalaking pagsisisi nga na pinakawalan mo siya. Hindi dahil sa Miss U siya last 2015. Pero nakakapanghinayang kasi feeling ko masarap naman magmahal si Pia. Masarap naman magmahal ang mga babae lalo na kung totoo. Kaya please. Boys and girls. Wag niyo na pakawalan yan. Kung pwedeng yakapin mo ng mahigpit, gawin mo na. =(

Kasi kung ako lang, gagawin ko yun. Yayakapin kita ng mahigpit. Wag ka lang mawala sakin. =( sana gawin mo din sakin yun. Kaya lang mukhang hindi mo gagawin yun. Kasi hindi mo nga ako hinahanap na. Masaya ka na kahit wala ako. Pero ako, malungkot ako ng wala ka. Kung alam mo lang. Pero pinipilit ko na lang na maging masaya. Kasi alam ko naman, hindi mo ko mahal. Ang drama ko.

Para sa mga walang minamahal: 
hintay lang! Darating din yan. Magkakaron din kayo ng taong magpapasaya sa inyo. And please. Nakikiusap din ako. Kung makita niyo na si the one, wag na pakawalan. Sa ngayon, enjoy muna niyo ang pagiging single. Enjoy niyo yung mga kaibigan niyo na laging anjan sa inyo. Kasi for sure pag nagkaron na kayo ng lovelife, makakalimutan niyo na sila. Ganyan naman e. Mas inuuna ang lovelife sa kaibigan. Pero pag nasaktan, kaibigan ang takbuhan. Kaya wag mo sila kalimutan ngayon. Date mo sila sa Valentines. Kahit sa ihawan lang sa kanto. Kahit sa minute burger lang! Kahit 4 na malaking kwek kwek lang tapos coke mismo. Hahaha!

Para sa mga broken-hearted:
Hindi pa katapusan ng mundo. Kung sinaktan man kayo, baka hindi siya yung para sayo. Pero wag mo kalimutang patawarin siya a. Dun kasi magstart ang healing process. Ang pagpapatawad. Kung pwede lang. =) pero di rin naman minamadali ang pagpapatawad. Lagi mo lang iisipin na baka kaya niya ginawa yun kasi baka yun talaga ang gusto ni Lord. Ang masaktan ka. Para patatagin ka. Para sa susunod na darating yung magmamahal sayo, di ka na niya kayang tibagin ng ganun ganun na lang. wag mo isasara ang puso mo sa iba. Maging open ka pa rin sa mga possibility na pwedeng bumalik siya. Or baka yung next mong mamahalin e sasaktan ka ng mas matindi kesa sa ginawa ng ex mo ngayon sayo. Basta ang mahalaga, magkaron ka na muna ngayon ng strong relationship with God. Kasi kapag okay na relationship mo with God, darating sa point na magiging okay na din ang relationship mo sa iba. Or kung hindi man maging okay relationship mo sa iba, atleast kay God meron pa din.

At para sa future ko:
I love you. Comment ka nga? 

Happy Love Month. 

Comments

  1. I love you too. - your future valentina ❤

    ReplyDelete
    Replies
    1. Text me if you really know me. 👍🏻

      Delete
    2. Can I just put your number here? Haha! ��

      Delete
    3. No please. Privacy! Just text me.

      Delete
    4. Di mo pwede malaman lung sino ako. Hahahahaha!

      Delete
    5. Why? There's a possibility na nasa contacts kita. Or maybe may viber ka. Tapos kapag sinave ko number mo, I can check. lol. or baka ikaw yung Joel na tawag ng tawag sakin? lol

      Delete
    6. I won't answer any of your questions. Hahahaha!

      Delete
    7. Malay ko ba kay joel. Sino ba kasi yang joel na yan? Haha! Napagkamalan pa kong lalake.

      Delete
    8. Basta di ako si joel.

      Delete
    9. Sana di na ko naganonymous kung sasabihin ko din.

      Delete
    10. e bakit nag-I love you ka?? mahal mo ko?

      Delete
    11. ikaw din ba nag-comment sa isang blog? sana mahanap ko na cupcake ko? hahaha! kasi kung oo, bakit mo ko sinabihan na sana mahanap ko na cupcake ko kung nag-I love you ka?

      Delete
    12. Hindi ko naman sinabi na ako mismo yung future mo. Malay mo pinasabi lang sakin yan? Di naman natin alam lahat kung sino magigi g future mo pero for sure mau dadating. Kapit ka lang bes! Haha.

      Di ako yon. Ata?!? Haha!

      Delete
    13. Haha! �� Have a nice day, Miguel. ��

      Delete
    14. sweet nman. langgaman n ito. bt d kaya kyo mgdate? tpos iblog mo migz anong mangyre. mdaming followers mo m22wa. :)

      Delete
    15. @Anonymous1: Thank you. Ikaw din.

      @Anonymous2: hahaha! so parang blind date? Then anong mangyayari? baka may mangyari. nakakatakot. lol

      Delete
    16. subukan mo lang.

      Delete
    17. Thank you din, Miguel! :)

      @anonymous - date talaga? Hahaha! Baka mareveal identity ko.

      Delete
    18. Achi ung totoo? Knikilig ka? Prang knikilig k nung cnbi kong date kyo. Hahaha

      Delete
  2. eh may nbuo k ng lovelife d2 miguel. hahahahaha

    ReplyDelete
  3. isusumbong kita kay mikmik!

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHAHA!!! Asan na ba si Mik? wala pa nga e. Kasi kung naging mabait sana, edi sana... hahahaha! tawang tawa ako. naka-anonymous ka pa. lol

      Delete
    2. malapit na! alangan nmn ilagay ko pangalan ko dto

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?