55 months






Naramdaman niyo na ba yung feeling na.. Pinakawalan mo yung matagal mo ng gusto?

Parang sa pagsha-shopping.. Minsan, may isang bagay na tayong gustong bilhin pero dahil sa naiisip natin na baka may mas maganda pa tayong makita, nagkakamali tayo ng napipili. Naalala ko yung kwento sakin.. May isang shop sa US na pwede kang mamili ng boyfriend or magiging asawa..

Pero may WARNING! Hindi ka na pwedeng bumalik pag nilagpasan mo na..

So may isang girl na pumasok.. Sa 1st floor, mga poging lalaki. Pero walang trabaho, walang pera, di marunong sa gawaing bahay. Pero pogi lahat. As in pogi. Pero nilagpasan niya yun..

Umakyat siya sa 2nd floor, mga lalaking pogi na nga, marunong pa sa gawaing bahay.. Pero nilagpasan niya pa rin yun.. Hanggang makarating siya sa 3rd floor.

Nagulat siya! Kasi nakita niya yung mga lalaki dun. Pogi na, marunong sa gawaing bahay at higit sa lahat.. May trabaho.. Pero umakyat pa ulit siya ng 4th floor. Nakita niya dun. Poging lalaki, may trabaho, marunong sa gawaing bahay, at higit sa lahat.. Understanding.. Gustung gusto na niyang pumili sa mga yun.. Pero naisip niya baka meron pang mas better sa 5th floor.. Pero pagdating niya dun..

Yun na pala yung exit ng shop. Di na siya pwedeng bumalik. :(

SAYANG! Sayang yung chance. Napakasakit maramdaman ng ganun. Yung alam mong yun na yung gusto mo, nagawa mo pang pakawalan..

Sinasabi na lang siguro ng iba para pampalubag loob yung

"kung para sayo, babalik yan!"

pano kung siya naman ang nakahanap ng mas better sayo? Sa tingin mo ba babalikan ka niya?

Hindi lahat ng pinapakawalan, gugustuhin pang bumalik. Dahil lahat ng sakit, bumabalik. Lalo na kung sobrang pinagsisisihan mo bakit mo siya hinayaang umalis. :(

at lalo na kung ikaw yung taong hinayaan na umalis.

Ang hirap. :(
pero ganun siguro talaga ang buhay.. Kailangan natin dumaan sa part na may kailangan kang pakawalan dahil mas may nangangailangan sakanila..

Pero pano kung kailangan mo din yung kailangan ng iba? Magpaparaya ka na lang ba? Lalo na kung alam mong dati naman eh sayo siya? :(

haayy. Anlungkot lang. Andami kong gustong balikan na pinakawalan ko.. Pero okay na siguro yun..

Sana lahat ng pinakawalan natin, naging nasa mabuting kamay na.. O kaya naman eh sana ikinabuti nila ang pagpapalaya natin..

Pero maniniwala pa rin ako sa kasabihang kung babalik siya, akin siya.. Kung hindi, hindi. Wala namang masamang maniwala eh db? Lalo na kung yung gusto mong bumalik..

Yun ang tanging magpapaligaya sayo. :)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?