MULTIPLY- Permanently Closing
After how many years of using multiply.. Iko-close na nila to! Permanent na! Tsk. Wow! Marami akong memories dun. Sayang! :)
pero kailangan din nating mag-move on! Parang love yan eh.. Kahit antagal mong nasa relationship at feeling mo kayo na talaga.. Di mo alam. Wala na pala siyang feelings para sayo.. Malalaman mo na lang na mawawala na siya sayo ng wala kang nagagawang paraan para i-save ang lahat..
Pwede kang magmakaawa na wag nilang isara.. Pero at the end of the day.. Wala kang magagawa dahil wala na. :)
siguro maganda na rin na tuluyan na siyang mawala.. Para lahat ng memories and some pictures and dates.. Mabura na.
Siguro minsan kailangan lang natin dumating sa point na mawala lahat ng memories para maka-move on.. Di naman totally na mawala ang memories..
Pero mawala yung mga bagay na makakapagpaalala sayo sa taong mahal mo para maka-move on ka..
Ang hirap din minsan. Na lagi mong naaalala eh.. Kasi maiisip mo lahat ng pinagsamahan niyo.. Pero di naman sinasabi na alisin mo sa sistema mo.. Minsan kasi kailangan lang natin tanggapin. Then kapag naalala natin, okay na! Happy na ulit tayo!
Na kapag naalala mo ang isang bagay, di ka na iiyak. Di ka na malulungkot. Di ka na magmumukmok. Kasi alam mo, tanggap mo na lahat..
Pero alam niyo, minsan kahit tanggap na natin ang isang bagay, di pa rin natin maiwasan ang hindi maiyak. Ang hindi malungkot. Minsan yung bagay na gusto mong tanggapin na lang, yun yung bagay na gustung-gusto mo..
Pero sabi nga ni Lord, hindi ko ibibigay yung gusto mo. Yung kailangan mo ang ibibigay ko. Eh pano kung pareho yung gusto mo sa kailangan mo? :(
siguro, go with the flow na lang.. Whatever happens, kailangan nating mag-go with the flow.. Lalo na sa araw araw.. Di naman pwedeng yung problema mo ngayon, problema mo pa rin bukas.. Sa isang linggo.. Sa isang buwan.. Sa isang taon.. Dapat wag na problemahin ang problema.. At pag dumating na sa punto na hindi mo na kaya.. Lumuhod ka lang. Magdasal. Siya ang gagawa ng paraan at magpapagaling sayo..
Wag kalimutang magpasalamat! Salamat Panginoon.
Comments
Post a Comment