MASOKISTA?

Yun daw yung alam mong masasaktan ka lang, go pa rin? Yung nasasaktan ka na pero nagtitiis ka pa rin? Yung durog na durog ka na pero naka-thumbs up ka pa rin?

Andami nating ganyan. Isa rin akong masokista. Pero anong magagawa ko kung mahal ko siya? Na tipong kahit nasasaktan ako, masaya ako. Kasalanan ba yun? Mali ba yun??

Hindi mali. Hindi rin kasalanan. Pero minsan, nakakasama rin!

May kilala ako.. Tinetext niya pa rin lagi yung ex niya kahit may iba na.. Kahit alam niyang hindi magrereply at hindi na siya mahal.. Sige pa rin siya ng pagtetext. At kahit masasaktan lang siya sa mga pictures na makikita niya sa instagram, facebook at twitter, sige pa rin ng view!

Haayy. Ganyan tayo eh! Ang hirap no? Naglalaban yung sakit sa happiness. Tumutulo na yung luha mo pero nakangiti ka pa rin.

Minsan kasi, mas gugustuhin natin na tayo na lang ang masaktan kesa yung mga taong mahal natin. Doble kasi ang sakit pag sila ang nasaktan..

Kaya minsan, kahit masakit satin na may iba na sila.. Pinipilit pa rin natin na maging masaya.. Kahit deep inside, gusto mo ng magmakaawa na balikan ka niya..

Ang hirap.
Ang hirap talaga..

Tapos minsan, kapag dumating naman sa point na nakahanap tayo ng papalit sakanila, iisipin pa rin natin yung feelings nila kahit alam nating wala silang pakialam.. Iisipin mo pa rin na baka masaktan siya kasi nangako ka na siya lang.. Nagkakaron ka ng guilt sa puso mo.. At ang ending?

Sasaktan mo ulit yung sarili mo. Maghihintay ka kahit walang hihintayin.. Mamahalin mo pa rin kahit alam mong hindi ka na mamalin.. At higit sa lahat.. Malulungkot at magmumukmok ka, kahit siya.. Masaya na sa taong pinili niyang mahalin..

Ganun talaga eh! Sabi nga nila, pag nagmahal ka.. Magiging tanga ka. Kahit anong gawin niya.. Okay lang sayo.. Kahit pa masakit na masakit na, okay pa rin! Dadaan talaga lahat sa proseso ng pagiging tanga.. Kahit pa yung pinaka-matalinong tao sa mundo, pag tinamaan ng pagmamahal.. Sasaktan din ang sarili makita niya lang masaya yung taong mahal niya..

Sana totoo na lang yung lyrics sa kanta.. Na all in love is fair. Dahil minsan, kahit anong anggulo natin tignan.. 

Love is NOT fair.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?