Closure.

Sa lahat, eto ang pinakamasaklap. Closure. Yung tatapusin niyo na lahat? Pag-uusapan ang mga bagay bagay then in the end, iko-close niyo na ang chapter na yun ng buhay niyo..

Wala lang. Minsan nga, kailangan mo lang ihabilin yung taong mahal mo sa taong mahal niya ngayon..

Napatunayan kong totoo yan sakin before. Kung hindi ka maka-move on sa ex mo na may boyfriend/girlfriend na, kausapin mo lang yung boyfriend/girlfriend niya.. I mean no need to create a conversation. Sabihin mo lang sakanya na alagaan niya yung ex mo.. Make a short/long message para dun sa bago niya.. Para maging panatag ka na okay siya.. Minsan kasi, kailangan lang natin maassure yung sarili natin na aalagaan sila nung bago..

Na tutuparin niya yung mga hindi mo natupad.. Yung gagawin niya lahat ng mga bagay na di mo nagawa.. Para maging masaya ka.. And minsan, kailangan mo ding tanggapin na hindi na sila yung taong minahal natin nuon.

Minsan, anlaki ng pinagbabago nila eh.. Meron akong kilala.. Alam ko namang di sila ganun pinalaki ng parents niya.. Pero to think na bagsakan ka ng phone kahit kakausapin mo lang siya sandali? Anlaking changes..

Pero minsan kasi, tayo din dahilan nun eh.. Hindi naman sila magkakaganon kung di natin sila nasaktan. Pero sana maisip din nila na hindi lang naman sila ang laging nasasaktan. Hindi lang naman sila ang pwedeng umiyak. Minsan kasi kahit alam nating masasaktan sila sa gagawin natin, kailangan pa rin natin gawin.

Hindi dahil sa masaya tayo na nasasaktan sila or gusto natin.. Minsan kasi nasasaktan natin sila kasi kailangan nating isipin ang sarili natin..

Hindi sa pagiging selfish. Minsan kasi pag bigay tayo ng bigay, tayo ang nawawalan eh.. Minsan kailangan mo rin isipin sarili mo.. Minsan kailangan mo ring iparamdam sa sarili mo na may pride ka.. Hindi naman porket may pride kailangan masyado ka ng mataas.. Minsan kailangan mo yun para maiwasan mo na ikaw yung masaktan..

Minsan kasi, inaabuso na tayo kapag hindi tayo nagiging selfish.. Pag bigay tayo ng bigay! Ang hirap eh! 

Hindi naman pwedeng sila lang ang nasasaktan eh. Ikaw din. Tayo din. Pero wala. Sarado ang pag-iisip ng iba na nasasaktan din tayo.. Ganun talaga..

Akala kasi nila, sa isang relasyon.. Pag sila ang naagrabyado, sila lang may karapatang masaktan! Sila lang ang pwedeng umiyak.

Kasi iisipin nila, "GAGO ka pala! Pinili mong saktan ako, tapos sasabihin mo nasaktan ka rin?"

Haayy. Di nila maiintindihan yun. Kasi pag nasaktan, sarado na ang pang-intindi. Pero sana, laging may magandang closure nu? Para naman maging maayos ang break up! May iba kasi, basta lang nakipagbreak, okay na eh. Ampanget naman nun. 

Pero di rin natin sila masisisi. Minsan kasi.. Ayaw nilang magbigay ng closure..

Kasi alam nila..
Kahit kailan.. Di mako-close ang puso nila sayo.

At umaasa pa rin sila na balang araw.. Babalik ka sakanya.. Kaya hindi niya sinasara..

:)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?