SORRY: mahirap bang aminin na nagkamali ka?? Or ayaw mo lang sabihin kasi feeling mo tama ka?




Di ko alam. Bakit may mga taong hindi marunong mag-sorry? Ewan ko ha? Hahaha! :D nakakatawa sila. Sila yung mga taong walang iniisip kundi sarili nila..

Di ko alam kung talagang nananadya silang saktan ka kasi alam nilang palalagpasin mo, or talagang di sila marunong maging sensitive sa feelings ng ibang tao?

Ewan ko. Napaka-INSENSITIVE. :)

yung tipong nasaktan ka nila pero after that parang walang nangyari? Ano? Ganun ganun na lang? Okay pa sana kung marunong kang mag-sorry. Baka kausapin pa kita. Pero kung hindi?

Isa na lang masasabi ko..

MANIGAS KA!! At dahil dito sa nangyayari, parang nagiging matigas na rin ako! Totoo. Lahat tayo, nagiging matigas na ang puso dahil sa mga ganitong sitwasyon.. Siguro nga karma ko tong nangyayari na ginagawa sakin ng isang taong pinahalagahan ko.. Nasaktan niya ako, and no sorry at all. Pero okay lang. Pagod na rin naman akong intindihin siya.. And siguro talagang she's not sorry.

Ohh well, pinalaki naman kasi ako ng magulang ko na kapag nagkamali ako, mag-SORRY ako.. And I don't think na ganun din siya.. It reflects naman eh! :D

kaya yang mga nagkakaron ng kasalanan satin, hayaan na lang natin sila.. Hindi naman natin mababago yung kung ano sila..

Pero alam niyo, andaming pwedeng magbago sa isang SORRY. :) pero wala eh!

Kaya kayo, kung nagkamali kayo at may nasaktan, mag-sorry na kayo..

Sa lahat ng mga nasaktan ko.. SORRY. Kung naging selfish ako at naging masama ang ugali ko.. Hindi yun sadja na saktan ko kayo. At kung sinasadja ko man, pinagsisihan ko na yun..

At sa mga nakasakit sakin, hindi na kailangang mag-SORRY pero napatawad ko na kayo.. Lalo ka na. Ikaw OO. Di ka marunong tumanggap ng pagkakamali mo. At di ka marunong mag-SORRY. Pero umaasta kang akala mo okay tayo.. Pero wala. Dumating na ko sa point na nanawa na ko. Oo. Andami ko ring kasalanan sayo! Pero hindi sapat yun para gawin mo ang mga ginagawa mo. :)

tapos na ko. Tapos na tapos na.. Salamat! :)

SORRY.

Comments

  1. okey lng yan. me tao tlgang walang kwenta . hindi mrunong tumangap ng pagkakamali sayo. feeling perfekto at pormang di kayang makapanakit. me darating pang mas mapagkumbaba kung nagkakamali man para maging maayos kayo.is she treasure your relationship

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?