All the crazy shit we did.. That would be the best MEMORIES

"Walang madali sa pagmu-move on!!"

Isa sa mga nadinig ko na sinabi ng kasakay ko sa eroplano.. Tsk. Move on na naman ang topic!? Bakit ba kasi ang hirap gawin pero andaling sabihin!??

Nakakapagpabagabag.

Ayan. Madaling gawin. Mahirap sabihin. Bakit pa kasi madaling sabihin ang move on? Sana madali na lang siyang gawin. Para lahat ng tao, madaling mag-move on.. Yung tipong one month. Hahaha!

Di naman kasi totoo yang 3month rule na yan. Pucha! Pa-3month 3month rule pa. Yung iba nga jan, inaayos pa nila ang relasyon nila.. Lumalandi na at nagpapaligaw sa iba..
O wala akong gustong patamaan ahh. Pero kung tamaan man kayo, di ko na kasalanan yun. Hehehe!

Pero seryoso!!

Sinasabi ng iba, mas madali daw mag-move on ang lalaki. Jusko. Kung alam niyo lang.. Lalaki nga ang pinaka-nahihirapan mag-move on. Nag-survey ako actually.. Out of 10 people, 7 people ang nagsabi na mahirap mag-move on ang guy..

Eh kasi naman eh.. Akala ng iba.. Porket may kasamang babae, naka-moved on na.. May iba na. Eh hindi niyo alam.. Yung babaeng kausap namin ang tinatanong namin kung sa tingin ba niya may pag-asa pang magkabalikan.. O kaya naman, anong dapat gawin etc.

Pero kapag babae ang may kasama, for sure.. Manliligaw na yun. Meron ba namang babae na magpopost ng conversation nila sa social net site kung wala lang? At talagang landian na conversation pa at sinasabi niyang kinikilig siya..
Meron ba namang babaeng nakikipag-ayos sa ex niya tapos yun pala, dume-date na sa iba pagkatapos sabihin na..

"I don't believe in love anymore! Thanks to you!!"

PUCHA!?!

Ano yun? I don't believe in love may ka-date??? Wala daw siyang iba pero kinikilig at pinapakita sa iba na kinikilig siya? Ano yun??  Lokohan? Hahaha. Tapos sasabihin, kami may kasalanan? Odi sige. Lalaki na lagi ang may kasalanan.. Good girls na kayo. Kayo na ang nasaktan. Kayo na ang naapi. Sa inyo na lahat ng award na pwedeng makuha ng isang sinaktan. Kayo na ang bida at kami na ang kontrabida, nanakit, masama ugali..
Pero to think na lumalandi kayo at nagpopost ng kung anu-ano with other guy, sa tingin niyo paniniwalaan kayo na nasaktan?

Tapos pag kami ang nag-post ng pictures with girls, iniisip niyo agad malandi!? Playboy? Chickboy? Babaero? Hindi niyo alam na kaya namin pinopost yun para magselos kayo? Palibhasa kasi.. Andudumi ng isip niyo. Nagkalapit lang yung pisngi, malandi na? Sus.
Palibhasa kasi, masyado kayong nag-eemote at papansin. Kaya ayan. Naniniwala sila na kayo ang nahihirapang mag-move on. Pero ang totoo, wala pa sa healing process ang puso mo.. At wala pang buwan na hiwalay kayo..

LUMALANDI na kayo!!

Sorry girls ha? Based on experience to. Aminin niyo man o hindi. Dahil ako, alam ko na yun ang totoo.

Andami kong kilalang ganyan. Yun daw kasi ang way nila on how to heal and how to move on! Anong way? Ang lumandi at ipakita samin na kaya niyong wala kami? Hahaha. Ang funny. At ang CHEAP.

Ang pagmu-move on, hindi kailangan gumamit ng ibang tao. Kayo, ginagamit niyo lang sila. Kaming mga boys, walang ginagamit. Minsan lang talaga.. Assuming ang mga babae. Kaya iniisip na may something na agad. Eh wala naman kaming sinasabi na gusto namin sila, nag-aassume agad.

Haayy na ko!!

Ang babae talaga. Pero girls, wag kayo magalit. Sinasabi ko lang to. Dahil sa na-experience ko. At kung mali man ako, sorry. Yun lang kasi yung mga pinagdaanan ko..
Well, alam naman natin na hindi pwedeng laging babae ang sisi eh.. Lalo na sa part ko. Napaka-unfair ko naman..

Sa boys din naman kasi, may ibang madali mag-moved on.. Alam niyo na.. Isa lang naman ang reason pag madaling naka-moved on.. Hindi ka ganun kamahal.. =)

Aminin na natin.. Kung sobra nating minahal ang isang tao, mahihirapan tayo mag-move on.. Kasi andaming memories eh.. Pero kung di mo siya minahal..

Ni isang memories.. Wala kang maaalala na ginawa niyong dalawa. Siguro kung may sex na involve. Masasabi mo na lang.. Ay oo. Magaling siya dun eh.. Pero yung memories na.. Simpleng nakakakilig? Wala kang maaalala.

Yung mga tipong 12MN, tatawag siya sayo para lang mag-goodnight at I love you.. Lagi mong maaalala yun.. Pag 12MN na.. Yung tipong nag-aabang kang gumalaw yung orasan mo sa cellphone. Tapos maiisip mo, hindi naman siya tatawag.. Pero maiisip mo pa rin.. Kasi nga memories.. Minahal mo eh.. Kahit simple lang..

Yung sabay kayong natutulog nakahang yung phone, hahanap hanapin mo yun.. Na para kang tanga na hindi ka makatulog kasi di mo madinig boses niya eh.. Na para kang sinisilaban sa pwet kasi alam mo.. Hindi mo pa nadidinig. Namimiss mo..
Lahat ng ginagawa niyo.. Maaalala mo.. Maaalala mo siya sa bawat bagay na makita mo.. Tugtog na maririnig mo..

Sample.. Now that you're gone na kanta.. Sino bang naaalala natin kapag nadidinig natin yan? Si Anne Curtis, Derek Ramsey and Cristine Reyes para sa No Other Woman..

May memories kasi eh.. Kaya ganun. =)

Wag na tayong magtaka bat ang isang tao.. Hirap na hirap mag-move on.. Dahil na rin sa memories. Sa panahon kasi ngayon, yun na lang ang hindi nawawala.. Ang memories.


Alaala na minsan..
Nagmahal ka.. =)




Published with Blogger-droid v2.0.10

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?