HEARTS DAY
Happy Valentines Day!
Ano ba yung Valentines? Sabi nila, araw ng mga puso.. Yun daw yung nagce-celebrate kayo ng mahal mo..
Kailangan pa bang mag-valentines bago kayo mag-celebrate? Well, para sakin.. Everyday, I celebrate with someone I love.. Yung kahit wala kaming ginagawa kundi mag-away araw araw, pinagpapasalamat ko pa rin na siya ang mahal ko.. At ako ang mahal niya..
Eh pano naman sa mga brokenhearted? Sa mga taong nasaktan? At kagagaling lang sa isang failed relationship? Ang tawag dun, BITTER day! Hehe. Pero di naman natin sila masisisi kung nagiging bitter sila. Ganun talaga pag nasaktan ka.. Bitter ka. Na para bang sinusumpa mo na yung lahat ng makikita mong lovers sa kalye habang bumubulong na.. "maghihiwalay din kayo!!" hahaha.
Di mo naman maiiwasan un. Minsan lang talaga, masarap ang may ka-date sa araw ng mga puso.. Kaya minsan bitter bitteran tayo..
Bakit nga kaya 14 ang valentines? Wala lang. Pwede namang 8 para infinite. Haayy. Valentines na naman..
Marami na namang maiinggit at nang-iinggit. Pero sana wag nating kalimutan na ang essence ng valentines day ay ang pagmamahalan.. Ang pagpapatawad.
Kaya ikaw? Kahit wala kang date.. Okay lang yan.. Isipin mo na lang, may next year pa.. Bawi ka na lang.. Pero ngayon, enjoy muna.
Happy Valentines Everyone!!!
Comments
Post a Comment