LETTING Go
Sabi nila, isa raw sa pinakamahirap eh yung mag-let go ka.. Ng ano? Ng tao o ng feelings?
Eh almost same lang yun db? Kanino mo nararamdaman yung feelings? Dun sa tao. Pero alam niyo, may pagkakaiba yun.
Pag ang tao mismo ang nile-let go mo, ibig sabihin.. Binibigay mo lang sakanya ang freedom niya. Wala kayong commitment, wala kang pakialam sa mga pwedeng gawin niya.. Pero the love is still there. Andun pa rin yung inaalala mo siya. Kung kumain na ba siya.. Baka di pa. Kung nainom niya na ba yung vitamins niya sa oras..
Pero pag feelings ang ni-let go mo.. Yun!!! Yun ang mahirap! Kasi ang nararamdaman natin sa isang tao.. Matagal mawala.. Minsan nga kahit matagal ng panahon na tapos ang relasyon niyo, hindi mo ma-let go yung feelings mo.. Yun ang masakit. Yung nararamdaman kasi natin ang nagpapasakit eh.. Hindi yung tao.
Pero sa totoo lang, ang hirap hirap hirap!!! Minsan nga gusto mo na lang magkaron ng amnesia para mawala sa sistema mo.. Para syempre. Di mo maisip.
Kaya lang.. Puso naman kasi ang dapat gumagana pag nagmamahal. 20% lang ng utak ang dapat paganahin..
Dahil kahit kailan.. Wala akong kilala na napasaya ng utak niya.. =)
Ikaw ba pag pinipili mo ang utak mo masaya ka?
Minsan OO. Kasi naiwasan mo ang pagiging tanga.. Pwede mong ipagmalaki sa ibang tao na..
"Hoy mga tanga sa pag-ibig!!! Gamitin niyo utak niyo!!! Gayahin niyo ko hindi ako umiiyak at nasasaktan gaya niyo"
Siguro nga.. Di ka umiiyak at nasasaktan. Pero ang tanong..
MASAYA KA BA???
Napasaya ka ba ng utak mo? Oo. Sige. Nakaka-proud. Pero ni minsan, hindi ka na magiging masaya na gaya ng naramdaman mo pag pinili mo utak mo..
Pero di naman ibig sabihin nito, papakatanga ka na ha? Baka kahit harap-harapan ka ng niloloko, okay lang..
May kanya kanyang level yan. Ang pinapaliwanag ko lang eh yung pagpili sa puso kesa sa utak.. Minsan kasi, sinusunod natin ang utak ng mga kaibigan natin lalo na sa pag-ibig..
Alam mo yang mga kaibigan natin, nagsasalita lang yan ng kabaliktaran sayo.. Pero kung sila ang nasa sitwasyon??
TANGA rin sila.
Minsan nga, kung sino pa yung nag-aadvice satin, sila pa yung mas gumagamit ng puso pag tinamaan ni kupido.. =)
Kaya ikaw.. Sundin mo puso mo.. Bakit mo hahayaang mawala yung happiness mo?
Hindi naman kasi totoo yung "kung tayo, tayo" dahil kung gusto mong kayo, ipaglaban mo.. Hindi yung nakikinig ka sa advice ng ibang tao..
Dahil ang puso, yan ang magsasabi.. Kung san talaga tayo magiging masaya.. =)
Published with Blogger-droid v2.0.10
Comments
Post a Comment