MP: Emperador Lights or Malabong Pagmamahal



Naranasan niyo na ba yung.. Sabi ng isang tao sayo.. Mahal ka daw niya. Pero di mo maramdaman na totoo yun?

Ako? Oo. Naramdaman ko na.. Ramdam na ramdam. Minsan, di ko alam bakit kailangan pang sabihin.. Di naman kaya iparamdam. Para kang tanga na naniniwala na mahal ka niya pero hindi mo maramdaman.. Haayy. Hindi ko maramdaman na mahal mo ko.. Bat ganun?

Tapos may iba.. Sasabihin sayo.. Di ka na mahal. Pero ramdam na ramdam mo mahal ka pa rin niya.. Yung kahit alam mong may iba na siya, alam mong ikaw pa rin? Kahit na paulit ulit niyang sabihin na hindi ka mahal eh.. Pucha! Ramdam mo naman na ikaw pa rin (hindi sa mayabang or mapagmalaki or feeling) pero hindi mo naman mararamdaman ang isang bagay kung hindi pinaparamdam eh.. Db?

Masakit lang eh.


Kaya minsan, di mo rin alam pano mo ilulugar ang lahat. Minsan, napapa-shot ka na lang sa sitwasyon.. Pero ano bang dapat gawin pag ganito??

May kilala ako.

Babae siya. Ilang beses na niyang sinabi sa guy na hindi na niya mahal.. Na wala na siyang pakialam.. Pero si guy.. Alam niyang mahal na mahal pa rin siya.. Ganun eh. Minsan kasi kailangan nating gumamit ng ibang tao para maka-move on.. Hindi naman sa totally gagamitin. Pero pag-aaralang mahalin at makalimot. Pero feeling ko, yun na yung pinaka-mahirap sa lahat.

Mag-aral na kalimutan yung taong matagal mong pinangarap.. Mag-aral na mahalin yung taong nagmamahal sayo kahit alam mong mahirap. At higit sa lahat.

Magpanggap na nakalimot ka na kahit hindi pa naman talaga..

Wala namang masamang mag-aral eh.. Minsan kasi pag pinag-aralan natin.. Natutunan naman natin. Pero may mga bagay kasi na hindi rin kayang ituro sa isip. At sa puso.

Parang Math. Hindi naman lahat dito alam kung pano naging GCF ng 20, 22, 30 ang 2. Hindi nila alam bakit 3.14 ang halaga ng isang pi.


Mahirap i-explain eh. Kasi minsan, mahirap ilagay into words. Kaya nga siguro nauso ang paramdam.. Haayy. Sana lagi na lang tugma ang sinasabi sa nararamdaman.. At ang nararamdaman sa sinasabi. Para walang nasasaktan.

Sana minsan..Pwedeng maging perfect ang lahat.

Para kahit papano..

Maging masaya pa.




Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?