BEH-020809



February 8, 2013.

4 years na.
4 years na “SANA” kung kami pa ngayon.
Wow. Ambilis ng panahon. Parang kalian lang yun.
Pero di ko expect na 4 years na pala.
May mga bagay talaga na akala mo, magtatagal.. pero minsan,
Yung ineexpect mong tatagal.. hindi pala.
Minsan, nararamdaman mo yung “REGRETS” pero wala na eh..
Tapos na. matagal ng tapos.

Eh kung matagal ng tapos, bakit bina-blog ko pa?

Kasi minsan, masarap balik balikan..
Yun na nga lang yung meron tayo eh.. memories. Pati ba naman yun
Aalisin natin sa sistema natin?
Nakakamiss yung mga times na naglalambingan kami..
Na sinasabi niyang mahal niya ako..
Na hindi niya ako iiwan. Pero siyempre. Ganun talaga eh..
Hanggang miss na lang ang pwede nating gawin. Lalo pa kung may
Ibang buhay na yung taong nasa past natin na gusto nating balikan.. wala namang masama kung mamiss mo. Natural un.
Wala namang hindi nakakamiss lalo na kapag maganda ang
Nangyari.. db? Nakakamiss. Akala ko kasi, siya na talaga yung para
Sakin.. kasi antagal kong pinagdasal yun. Pero
Siyempre. Kasalanan ko naman bat nawala eh.. OO. Niloko ko siya.
Pero natatakot lang naman ako na mag-take ng risk. Pero sa sobrang takot
Ko, hindi lang naman yung chance ang nawala..

Pati siya. :)

Kaya kayo, kung dumating sa point na feeling niyo, siya na..
Take the risk. Masaktan man kayo o hindi.
Mamimiss ko yun. Kasi alam niyo, kahit naman lagi kaming nag-aaway
At tago ang relationship, masasabi kong nakuntento ako sa
Relasyon na yun. Hindi kaya ako nambabae.. hahaha!!

Yun na nga lang ata ang kaya kong ipagmalaki sakanya eh..
Yung hindi ako nagloko. Hindi ako nambabae.. na proud ako na girlfriend
Ko siya.. pero hindi naman niya maaappreciate yun. Kahit
Nga sabihin ko ngayon dito yun at nabasa niya to, wala. Hahaha. Sasabihin lang nun..

“SUS! KALOKOHAN”

Ganun talaga eh. Niloko ko eh. Pero kung mabibigyan ako ng
Chance ni Lord para baguhin ang lahat..
Lahat ng nangyari samin na di maganda, tatanggalin ko..
At papalitan ko ng magagandang memories..
Para habang ginagawa ko to, hindi lang puro sama ng loob ang
Nararamdaman niya para sakin.. na naiisip niya rin yung memories na
Masasaya. Kaya lang, lahat ng masasayang memories, natatakpan
Ng sakit. Natatakpan ng kasalukuyan.

Pero di ko naman siya masisisi kung isumpa niya ako ngayon..
Nasaktan ko siya eh.. pero sana malaman niya na nasaktan din naman
Ako.. di naman laging siya lang.. akala niya kasi, siya lang ang nasaktan..
Pero tinapakan mo rin naman ang pride ko eh..
Pero sabi mo, pride lang yun. Ang hindi mo alam, yun na lang
Ang meron ako.. PRIDE.

Pero sinubukan kong kainin yun para sayo..
Pero di masarap. Mas okay na rin siguro na hindi ko
Kinain pride ko.. kasi kung kinain ko yun, baka ngayon na habang
Ginagawa ko to, wala ng natira sakin..
Wala ng kahit ano..

Pero salamat. Kasi naging masaya ako.. sabi ko nga, never akong
Nambabae. Kahit nagalit ka before na kinakausap ko ex ko..
Kung alam mo lang.. ikaw at yung bf din naman niya ang pinag-usapan
Namin pagtapos naming magkamustahan..

Ikaw yung naging inspirasyon ko everytime na may prob ako..
And everytime na nagkakaron ako ng problema.. kasi
Ikaw nga, kinaya ko eh.. hehehe! Hindi ka naman naging problema sakin..
Ikaw nga yung naging dahilan bakit nawawalan ako ng problema..
Sana ngayon, masaya ka sa kanya.. and I know..

Masaya ka talaga sakanya.. masaya ako para sayo.
Kasi nakahanap ka ng lalaking gaya niya..

At ako? Masaya pa rin. Kasi masaya ka..
Never  naman akong nag-wish na maging sad ka.. or ng masama sayo.
Kaya ngayon, masaya ako.. kasi masaya ka..
And I’m so proud of you.. kasi nung tayo.. naging inspirasyon mo ko
Para makapagtapos ka ng college. At ngayon, CPA ka na.
Wow! Proud na proud ako sa narating mo. Na feeling ko,
Ako rin naman yung naging CPA kahit ikaw. Pero sana, kahit isang part
Ng buhay mo, isa ako sa naging dahilan bakit naging CPA ka..

At ikaw, lalaki.
Ingatan mo yang taong yan.
Kasi mahalaga yan.. J alam mo naman kung sino ka eh..
Masaya ako para sa inyong dalawa..

CONGRATS. :)

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?