Big Words: CHANGE, TRUST and FORGIVE - It takes a man and a woman REVIEW ★★★★★
Review ko to sa movie ng it takes a man and a woman ni John Lloyd and Sarah.
All I can say is..
BRAVO!!!
I cried.
Para akong tanga sa sinehan.. Lumuluha. Pero di ko na lang pinahalata. Infairness, andami kong natutunan.. Andaming naging connect sa naramdaman ko before.. Simula pa nung A Very Special Love and You Changed My Life.. Idol ko talaga tong si John Lloyd eh.. :) at talagang mapang-asar pa! FEBRUARY 2009 talaga? hahahaha!!!
feeling ko, lahat ng pelikula niya para sakin.. Lahat ata pati yung Close to you, One More Chance and etc. Pero focus muna tayo dito sa movie na it takes a man and a woman. Maganda. Sobra! :)
Eto na yung list na natutunan ko.. Iisa-isahin ko..
1. Walang taong PERPEKTO
- sabi yan ng nanay ni Laida. Intindihin daw na walang taong perpekto at lahat nagkakamali.. Tama naman yun eh! Pero may mga tao talagang ayaw masaktan at akala nila, sa isang pagkakamali mo lang.. Masamang tao ka na.. Pero siyempre. Di mo rin naman masisisi kung magkamali eh. Hindi sa kinakampihan ko si Miggy. Pero namatayan kasi siya eh. Tapos wala pa yung taong mahal niya sa tabi niya.. And dumating sa point na anjan si Belle para sakanya.. Hindi rin sapat na dahilan na wala si Laida. Pero come to think of it? Sino ba unang humalik? At db bumitaw naman si Miggy bago pa niya makita si Laida?? Mali na makipaghalikan siya sa iba. Pero mali rin na hindi ka humingi ng paliwanag lalo na kung di mo alam yung totoong istorya.. Yung basta ka na lang nag-judge. Di mo inintindi.. :)
2. Hindi lahat nabibili
- sabi ni Laida.. Pano mo ba nililigawan yung gusto mo? Sagot ni Miggy, Binabayaran! :) tama yun! Minsan akala natin lahat pwedeng idaan sa pera. Pero hindi. Sabi nga nila, lahat ng BEST sa buhay.. LIBRE! Gaya ng love! :) db? Libre siya. Yun nga lang, paghirapan mo bago mo makuha..
3. Hindi lahat ng BLOOMING, inlove. At hindi rin naka-moved on.. Minsan nagpapaganda ka rin kasi gusto mong mapansin ka ulit ni EX
- yung totoo!! :D hahaha! Si Laida kasi. Obvious na nagpapa-impress kay Miggy. Hahaha! Minsan ganun tayo eh.. Hindi tayo nagpapaganda para sa sarili or sa ibang tao.. Minsan, gusto natin mapansin lang tayo ng mga ex natin! :) yung tipong nagpopost ka ng magagandang pictures sa facebook, or kung nagkikita pa rin kayo.. Sobrang pagpapa-impress. Ganun daw talaga! :) kahit sa One more chance! Si Basha nagpapa-impress kay Popoy! Hehe!
4. Hindi gagaling ang sugat kung gagamit ka lang ng band aid
- meaning? Hindi sagot ang makipagrelasyon sa iba para maging masaya.. Para maka-moved on.. Parang si Miggy! Hindi naman siya fully healed ng maging sila ni Belle. Kahit sabihin mong lahat na ng bagay eh nakay Belle.. Iba pa rin laman ng puso niya..
5. Mas piliin mong maging GOOD kesa maging BEST
- huwag mong pilitin ang sarili mo na maging BEST dahil minsan sa kagustuhan mong maging BEST, may mga nasasaktan ka. May mga taong di mo alam na unti-unting nasasaktan dahil sa gusto mo.. Piliin mong maging GOOD. GOOD man.
6. Hindi natatago ang feelings
- Hahaha! Natawa ako kay Joross! Sabi niya, "tara, laro tayo! Tagu-taguan ng feelings" :) kahit na sabihin mong wala ng feelings.. May mga tao pa ring makakakita sa kilos mo kung ano ang nararamdaman mo. Kahit ideny to death mo pa yan.. :)
7. Mahirap ibalik ang dati lalo na kung may nararamdaman pang sakit
- hindi nakukuha ang ngiti ng basta basta! May time sa movie na hindi nila mapangiti si Laida gaya dati. Mahirap naman kasi ngumiti lalo na kapag nasasaktan ka pa.. Pero siyempre. Darating pa rin sa point na ngingiti at ngingiti ka.. Whatever happens.. Pero di na nga lang siya gaya ng dati..
8. HASHTAG #ItsMoreSelosInThePhilippines
- lol. :) natutunan ko.. Kahit na ang tagal tagal na panahon na kayong wala ng ex mo.. Kung talagang mahal mo or minahal mo siya.. Magseselos at magseselos ka sa mga makakasama niya.. Hihi. Ganun talaga eh. Mahal mo.. Nagseselos ka..
9. CHANGE
- baguhin ang sarili para sa ikabubuti. Baguhin ang lahat ng mali. At itama. Pero wag mong kakalimutan ang dating ikaw. Ang dahilan bakit kailangan mo magbago. Dahil sa huli, hindi naman ang pagbabago mo ang mamahalin ng tao eh.. Yung nanatiling ikaw. Yung ikaw na minahal nila mula noon na hanggang ngayon..
10. TIWALA
- sa sarili. Na kaya mong gawin ang mga bagay na imposible.. Tiwala sa ibang tao na pwede pa silang magbago. At tiwala kay God na lahat magiging okay pagkatapos ng sakit. Na dahil ginawa niya yun para maging matatag ka..
11. MAGPATAWAD
- lahat nagsisimula sa pagpapatawad. Yung nanay ni Laida, napatawad yung tatay nila. Yung mga kapatid ni Miggy, napatawad yung nanay niya.. Si Laida, napatawad si Miggy and lahat sila naging masaya. Naging okay. Walang tao ang naging masaya ng hindi dumaan sa pagpapatawad..
O ayan! Sana marami rin kayong natutunan. So kung ako sa inyo, manuod na rin kayo! Hahaha!! :D maganda. Kung pwede nga lang i-rate hanggang 6 stars, gagawin ko.. Kaya lang, hanggang 5 lang talaga. Hehe! Pero masaya to. Andaming bagay na nakapagpaalala sakin.. At ang daming bagay na nagturo sakin.. Siguro pinaka-gusto kong part yung sa daddy ni Miggy na kung anong gusto niya maiwang legacy.. Hindi yung maging best. Kundi yung maging GOODman yung bunso niya. :)
haayy. So tayo.. Kayo..
Wag nating piliting maging number 1, the best. OO! Maganda na number 1 ka. Pero minsan, masarap na rin na kahit hindi ka number 1, ikaw yung the one!!
Comments
Post a Comment