The HEART never forgets
"I felt the tear fall from my eyes.. The heart never forgets.. You can find someone and live your life.. Put an old memory.. Out of your mind.. But the hearts.. Never forgets.."
Sabi sakin nung isang friend ko.. Nakakainggit daw yung mga friends namin na kinasal na at nahanap na yung true love.. =)
Hehe! Sabi ko, OO. Nakakainggit nga sila.. Pero lahat naman pinagdaanan na rin nila eh.. Umiyak. Na-broken.
May isa akong friend.. Iniwan siya ng girlfriend niya before para i-fulfill yung dreams.. Na-broken siya.. Umiyak. Ilang years din silang nagkahiwalay.. Nagkaron siya ng girlfriend.. At nagka-gusto sa iba.. Pero in the end, gaya nga ng kantang to..
"All things changed.. But there's always someone.. The heart never forgets"
Siguro lahat naman darating sa point na may isang taong kahit anong gawin mo, di mo makalimutan.. Kahit ilang years na.. Kahit 10yrs na nga siguro..
Hindi ko nga rin alam bat ganun eh. Pinipilit mo ng mag-move on.. Tapos makita mo lang ulit siya or something.. Parang feeling mo bumabalik yung feelings na parang gusto mong ipagpalit ang lahat na meron ka.. Para lang sa isang yakap niya.. Para lang sa halik niya.. Para sakanya. =)
Minsan pa nga eh.. Kahit away kayo ng away.. Mas gugustuhin mo pa yun, kesa maghiwalay kayo.. Alam mo kasi na yung relationship na meron kayo, yun lang ang gusto mo.. Away ng away.. Pero mahal na mahal niyo pa rin ang isa't isa.. At konting ngiti lang niya.. Alam mo.. Mawawala na ang galit mo or tampo mo sakanya..
Hirap magmahal nu? Lalo na pag di naman pala siya yung para sayo.. Minsan, ayaw mo na lang mag-take ng risk.. Kasi baka kahit gawin mo ang lahat, hindi pa rin sapat sakanya.. Baka iwan ka pa rin niya..
Kaya madaming brokenhearted eh.. Kesa sa happy couple.. Maraming tao ang ayaw mag-take ng risk.. Maraming tao ang takot sa mga pwedeng mangyari kahit di pa naman nila alam yung kalalabasan..
Maraming natatakot kasi nakita na nila pano masaktan yung iba.. Minsan pa nga, kung sino yung single.. Yun yung takbuhan ng mga taken.. Eh ano namang alam nila jan? Haha! Pero minsan, kung sino pa single.. Yun pa yung maraming advices.
Kaya sila, nag-iingat sila eh.. =) kasi halos lahat nadidinig nila.. Pero siyempre.. Kahit sino ka pa, kahit ikaw pa ang pinaka-mayaman at makapangyarihang tao sa mundo.. Darating ka sa point na magmamahal ka.. =)
Ayaw mo man o hindi...
Pigilin mo man..
Dadaan ka pa din sa pagiging broken hearted at darating yung tao sa buhay mo na kahit anong gawin mo.. Hindi malilimutan ng puso mo.. =)
Published with Blogger-droid v2.0.10
Comments
Post a Comment