Boys are so INSENSITIVE: True or False




nagtanong ako.. Sabi ko, anong gusto mong baguhin sa mga lalaki?? Sabi nung tinanong ko, gusto daw niyang baguhin pagiging insensitive ng mga lalaki. Parang Binibining Pilipinas lang ahh! =)

TRUE. Insensitive ang mga boys. Sa ibang paraan. Minsan kasi kailangan namin ipakita na di kami apektado sa isang bagay.. Bakit? Pano namin po-protektahan ang mga babae kung kami pa ang magpapakita ng pagka-apekto sa isang bagay? Edi kung pareho tayong magiging sensitive, anong mangyayari? Parehas tayong magtatampo. Parehas tayong iiyak. Parehas tayong malulungkot. Mahirap ata yun.. We have to be strong para sa mga girls.. Kasi kaya nga kami binigay sa inyo ni Lord para sa mga oras na affected kayo sa isang bagay.. Kami ang magtatanggol at magpapagaan ng loob niyo. That's the reason bakit minsan INSENSITIVE kami.

False. Sensitive din kami. Nasasaktan. Naiiyak. Naluluha. Nagtatampo. Minsan kasi, ayaw nalang namin ipakita sa inyo eh. Kasi pag naman ganun na pinakita ang sensitive side, ano bang sasabihin ng iba? "grabe. Kalalaking tao, sensitive!"

ang hirap din naman eh db? Pero kami? Neutral lang. Insensitive and Sensitive. Pero mas lamang ang pagiging sensitive. Kasi sa totoo lang? Nasasaktan at nahihirapan din kami.. Umiiyak at nagtatampo.. Minsan lang talaga, kayong mga girls ang mas nagpapakita na sensitive kayo. Kaya kaming mga boys ang nakikita niyo na akala niyo, hindi nasasaktan.. Hindi apektado. Pero deep inside, gusto na naming umiyak..

Kayo kasing mga girls, pwedeng umiyak anytime. Natural. And alam ng ibang tao na madali kayong masaktan. Tingin niyo ba, kaya namin yung ginagawa niyo na umiiyak sa kalsada? Umiiyak sa jeep? Kaming boys, sinasarili namin ang lahat ng sakit. Kasi hindi naman kami pwedeng magkaron ng boys talk and heart to heart eh. Na magpupunta sa bahay ng barkada para lang magkwento na nasaktan ka tapos iiyak.. Kaya minsan, mas pinipili na lang naming maging INSENSITIVE.

At kayo namang mga girls.. Sana minsan, wag niyo naman kaming awaying pag feeling niyo insensitive kami at wala kaming pakialam sa feelings niyo.. Meron naman eh.. Ayaw lang namin ipakita kasi nga kaming mga boys, hindi kami showy.. Pero kung alam niyo lang gano namin kayo kamahal.. At gano kami katakot na mawala kayo samin..


Sasabihin niyo na lang na sobrang swerte niyo.. Dahil kahit insensitive kami.. Iiyak kami kapag iniwan niyo kami.. =(

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?