REMINISCE
I'm reading messages sa old phone ko.. Wala lang. Naisip ko.. Matagal na panahon na rin yung mga messages na nandun.. Halos lahat, 2009-2011 pa. Tagal na. 4yrs na sa phone ko. At andun pa rin. Di ko pa rin binubura.. :)
masaya kasi ako pag may nababasa akong luma.. Pinapangiti ako.. Pinapaalala sakin yung mga taong nagsend.. Ako kasi yung tipo ng tao na kahit 300 messages na puro I love you, ise-save ko.. Para lang malaman nung taong nagsend na mahalaga siya sakin.. Pero minsan, ang hirap din magpahalaga.. Kasi maiisip mo, ikaw ba pinahalagahan ka?? I mean, hanggang ngayon ba iniisip ka niya gaya ng pag-iisip mo? Hindi lang naman sa lovelife eh.. Kahit sa friends natin.. Minsan magpaparamdam lang pag may kailangan.. Pag wala, deadma.
Pero ako?? Sobrang pagpapahalaga ko sa mga taong dumarating at umaalis sa buhay ko.. Di naman ako magiging ganito kundi dahil sakanila eh.. Db?
Ako? Aminado ako. Babaero ako nuon. Pero sumeryoso ako ng dumating sakin yung ex kong chinese! Kaya rin ako naging seryoso na sa babae dahil sakanya.. Sobrang minahal ko.. Pero may part pa rin na kulang eh.. At nagkamali ako..
Di naman kasi pwedeng hindi ka magkaron ng pagkakamali sa isang relationship.. Eh lahat naman yan may pagkukulang.. Lahat dadaan sa mga panget na scenario. May darating na babaeng pagseselosan.. May darating na lalaking pilit umeeksena at inaagaw sayo ang taong mahal mo..
Nasa dalawang tao na lang yun kung magpapadala ba sila o hindi. Kung magiging matatag ba sila sa mga pangako nila sa isa't isa..
Pero naiintindihan ko na talaga ngayon bakit ang hirap hirap mag-move on.. Dahil yun sa MEMORIES.. Tulad nitong ginagawa kong pagbasa sa lumang messages. Ang hirap mag-move on! Hehe! :) masaya ka kasi habang binabasa mo yung mga yun.. Naaalala mo lahat ng masasayang alaala.. Kaya minsan, kapag may kaibigan akong brokenhearted, di ko sinasabing mag-move on na siya.. Ang sinasabi ko lagi, namnamin mo muna ang sakit.. Kasi hindi natin alam yung nabuo nilang memories.. Kung bakit ganun na lang siya kung masaktan.. Kaya yun.
At kayong mga broken, namnamin niyo muna.. Wag na muna kayong mag-move on.. Mahirap itapon agad ang memories.. Iyak muna. Iyak ng iyak.. Hanggang sa wala ka ng maramdamang sakit.. At pag wala na yung sakit, saka mo pag-aralan mahalin ang sarili mo.. Pagalingin mo yung sarili mo sa naramdaman mo.. Tapos tsaka ka mag-move on.. :)
Comments
Post a Comment