FORGIVE AND FORGET?
Ang pagpapatawad ay isang DESISYON.
Sabi nila, pag di mo pa napapatawad ang isang tao.. Ibig sabihin, mahal mo pa! Ibig sabihin, masakit pa yung nagawa niya!
Pero sa tingin ko, hindi rin ganun.. Kasi may kilala ako. Hindi pa rin niya ako napapatawad hanggang ngayon.. Pero wala ng sakit sakanya.. Masaya na siya. Kaya di rin ako naniniwala. Hehe!
Pero wag sana natin silang sisihin sa mga oras na iniwanan nila tayo.. Sa mga taong nagawan natin ng mali. Di rin naman ganun kadali kasi ang magpagaling ng sugat. Lalo na kung malalim. Kaya ako?
Laging sarili ko ang sinisisi ko pag iniiwan ako ng mga taong mahalaga sakin.. Alam ko naman eh. Ako talaga ang may kasalanan.. Walang dapat sisihin..
Pero bakit nga ba ang hirap magpatawad ng ibang tao kung alam naman nating hindi sila perpekto? Kung alam naman nating walang perpekto? Kahit nga si Obama, hindi perpekto eh! Tapos sa isang mali lang, huhusgahan natin sila??
Pero ayaw nating gawin ng iba yun satin. Ang husgahan tayo.. Pero tayo mismo sa mga sarili natin. Ganun tayo. Mapanghusga. Haayy. Ang hirap naman ng ganun.
Meron pa ngang iba jan.. Sa sobrang hindi nila kayang patawarin ka, babastusin ka na lang nila.. Yun yung masakit dun eh.. Alam nila na ayaw nilang gawin sakanila, pero ginagawa pa rin nila. And I know alam mo kung sino ka!
Well, bahala ka na sa pambabastos mo sakin. May karapatan kang magalit at wag akong patawarin. Pero wala kang karapatang bastusin ako. Lalo ka na. Ayoko na lang sanang sabihin to. Pero wala kang utang na loob. Lalo na sa mga nagawa ko para sayo.. Humingi lang ako ng pabor.. And kung ayaw mo, you can tell it to me! Hindi yung babastusin mo ko! Tsk. Nakakasama ng loob to!
Di ko alam. Malabo ang lahat. Pero siyempre lahat ng to ay may dahilan. Lahat ng to ay may rason.. At sana dumating yung araw na maiintindihan natin bakit nangyayari to. Bakit ganun. Bakit ganyan.. At sana, dumating na rin yung panahon na mapatawad ako ng lahat ng nasaktan ko..
Kaibigan ko man yan, kapamilya or dating kasintahan.. :)
Comments
Post a Comment