ELECTION 2016
Malapit na ang Election. Sa Monday na, May 9 na yun. Madami nagtatanong sakin sino ang bet ko sa mga tumatakbo. Honestly, kahit naman may bet ako, di naman ako registered voter ng Pinas. Pero sige. Magbibigay pa rin ako ng aking comment.
BINAY:
Siya yung treasurer sa klase niyo. Pero unti-unting nababawasan yung budget niyo pag hinihingi ng teacher niyo.
Sa totoo lang, gusto ko talaga si Binay. Because andami niyang nagawa sa Makati. Madami siya natulungan. I know nga some people na nakakatanggap ng 2,000.00 everytime birthday nila with greeting card and cake na worth 1,500. Parang for me, di bale ng corrupt basta ang mahalaga may nabibigay siya sa iba. Parang lagi siyang may percentage sa mga gastos ng Makati. Pero naisip ko, siya lang ang yayaman pag siya ang nanalo. Yes maraming magbebenefit. Yung 4Ps magiging 5Ps at mawawala na yung tax. Pero ang question kasi dun, bakit nung VP siya di niya nagawa yun? Bakit di niya nagawang tanggalin ang tax kahit sa Makati lang muna before? Eh VP na siya, tapos pag president lang siya saka niya magagawa yun? Tapos another thing. Yung video ni Junjun Binay. Parang wow. Mayor pa nga lang siya eh. Ganun na. Power trip! Eh what more pa kung President na yung dad niya? And madami pa silang kasong kinakaharap. Kailangan muna nila harapin yun. And kung talagang walang ebidensya na overpriced ang building ng Makati, edi good for him. Saka siya tumakbo pag okay na yung case niya.
#NoToBinay
DUTERTE:
Yung classmate mong siga! Galit sa mga nambubully. Pero siya din minsan bully. Hahaha!
I'm rooting for him last year. Dahil binasa ko lahat ng mga nagawa niya sa Davao. Madami akong nabasa na magaganda regarding sakanya. Pero, siyempre! Hindi pwedeng laging idadaan sa init ng ulo ang lahat, suntukan or kahit ano. Napapansin ko, mga supporters ni Duterte at si Duterte mismo eh mabilis uminit ang ulo. Hindi lahat nadadaan sa ganun. Pero kung siya ang magiging presidente, okay pa rin ako. Pabor naman ako sa death penalty. Lalo na kung masasampolan na yung mga taong dapat masampolan. Saka maganda na merong "death penalty" tayo kasi mas matatakot yung mga masasamang tao na gumawa ng ganun. Kasi alam nila may death penalty na. So mejo mababawasan na sila. Minsan lang talaga, di siya magandang magbiro. Lalo na yung rape joke. May mom and kapatid ako na babae. Di lang siguro okay yung ganung joke. Pero mas okay na yung nagbibiro siya, kesa sa nagnanakaw siya. Minsan rin Di maganda magbitaw ng salita. Pero I still believe na pwede siyang maging karapat dapat na President ng Pinas.
50/50 #Duterte
POE:
Yung transferree mong classmate na pabida at feeling niya alam na niya lahat. Pero pag tinanong mo, mali yung sagot. Hahaha!
Okay din naman tong si Grace Poe. Kaya lang kulang sa experience eh. Minsan mali yung information na nakukuha niya sa mga tao niya. Para siyang puppet na merong nagpapagana sakanya. Di ko alam sino sino sila. Alam naman natin na suportado siya ng San Miguel Corporation na hawak ang telstra. Which is maganda naman kung makakapasok kasi magiging maganda na yung internet connection. Pero siyempre, di pa rin siya ganun kaalam sa mga kalakaran sa gobyerno natin. Di natin kailangan na maging nanay siya ng Pinas. Di natin kailangan ng nanay. Bakit? Pag ba nadapa ako at umiyak ako, pwede akong magsumbong sakanya? Di naman eh. Hahaha! Tama din naman si Binay. Minsan na niyang tinalikuran ang pagiging Pinoy. Tapos ngayon na tinalikuran na niya ang pagiging Americana, pagtitiwalaan na natin siya? Baka ibenta pa tayo sa ibang bansa! Not now Grace. Maybe next election. Kulang pa!
#NoToGracePoe
ROXAS:
Siya yung classmate mo na alam ang lahat. Oops, feeling alam lahat. Nagawa na daw niya ang lahat. Nakapag-boyscout na, nag-CAT officer na, naging teachers pet kasi mayaman.
Ayoko. Ayoko. Ayoko. Masyado kasing mayabang si Roxas. Nung last debate, pinanuod ko sa youtube. Lahat na lang nagawa na niya. Kung lahat nagawa mo, edi sana wala ng nagtatanong! Wala na sana problema ang Pinas! Bakit iba lang ang natutulungan mo? Bakit di lahat? Nung Yolanda? Wala ka naman daw talagang nagawa dun eh. Isang volunteer na ang nagpatunay niyan. Tapos anlakas mo pang manira. Bading ka ba? Di naman kailangan manira para manalo. Alam ko kung gano karumi ang election. Pero grabe lahat ng lumalabas sa bibig mo. Parang di ka lalaki. Lalo na yung last na sinabi mo kay Binay sa Church. Oo, nagdasal ka. Hiniling mo na sana maging mapayapa si Binay. Pero sana naman hiniling mo yun ng galing sa puso mo. Hindi yung may tira ka pa na "makukulong ka na" ayan! Di ka tuloy inendorse ng INC at ibang religious group. Bad ka kasi. Isa pa, mayabang din yung first lady mo. Pinagtanggol ka kay Cooper! Pero barado naman siya. Hahaha!
Nakakaumay na ang dilaw!
#NoToMar
SANTIAGO:
Siya yung classmate mong super talino. Lahat ng tanong mo, kaya niyang sagutin. Valedictorian ng batch niyo. Strict na classmate.
Well, obviously. Alam na ninyo kanino ako. Hahaha! Bakit? Nasa pagkatao, sa mga nagawa. Hindi lahat ng oras kailangang gamitan ng kamay na bakal, hindi lahat ng oras matatapalan mo ng pera ang iba, hindi sa lahat ng oras magagamit mo ang pagiging charming mo. Ang pinaka kailangan mong gamitin sa buhay mo, utak! Utak! Utak! Pag sinabi ng utak mong magagawa mo ang isang bagay, magagawa mo. Mind over matter. Yung plataporma niya, yun na yata ang isa sa mga hinangaan ko. Lahat ng nagawa niya sa Senado, saludo ako. Hindi siya natatakot mamatay basta masabi lang niya ang dapat sabihin. Hindi siya natatakot sa cancer. Kasi alam niya, mind over matter. Gusto ko nga makita resume ni Madam. Kasi sobra. Galing niya. Wala siya masyadong nilabas na pera ngayong election. Walang sponsor na mga businessman. Kasi gaya ng sabi niya, ayaw niyang magkaron ng UTANG NA LOOB. Meaning? Pag nakaupo na siya, wala na kahit sinong tao ang pwedeng mag-utos sakanya na gawin niya yung gusto ng ibang businessman. Kahit sino, babanggain niya. Unlike ni Grace Poe and Mar Roxas. Anong kapalit ng million na binigay ng family niya? Anong kapalit ng million na binigay ng SMC kay Grace?
Pero di pa rin ako registered voter. Pero sana, suportahan natin si Miriam.
#YesToMiriam
#SwitchToMiriam
Comments
Post a Comment