May 22 2016: NATIONAL MOVE ON DAY.

Move On - Madaling Sabihin, Mahirap Gawin.

Tangina naman! Pwede namang mahirap banggitin pero madaling gawin bakit kabaliktaran pa? Haayy. Sa totoo? Ang hirap mag-move on. Yung tipong gusto mo ng kalimutan ang lahat, gusto mo ng matapos yung nararamdaman mong sakit. Pero napapamura ka na lang. Bakit ba kasi kailangang dumating sa point na yung taong mahal natin, iiwan na lang tayo? Sasaktan? Wala ba tayong nagawang mabuti sakanila? Hindi ba natin sila napasaya kaya para sakanila napakadali na lang tayong iwanan sa konting kasalanan or sa konting pagkukulang? Di ko kasi maintindihan eh. Ako? Never talaga ako nang-iwan ng babae just because may kulang sakanya, hindi siya sexy, may nahanap akong iba, may naging kasalanan siya. Kasi ako, gusto ko laging may space para patawarin siya. Oo, minsan talaga mahirap kalimutan yung nagagawa nilang kasalanan. Minsan pa nga, paulit-ulit nating inuungkat yun. Kasi ang kasalanan naman, hindi basta basta natin nakakalimutan. Lalo na kapag dumating sa point na nasaktan talaga tayo. Lalo na saming mga lalaki. Pag naapakan ang pride namin, di namin nakakalimutan yun. Kaya minsan, inuungkat namin. Pero di ibig sabihin nun, nababawasan na ang pagmamahal. Di ibig sabihin nun, iiwanan na kayo. Pero bakit kayo, pag nasaktan kayo, nang-iiwan kayo? Ang bilis makahanap ng iba? Kaming mga totoong nagmamahal, kami yung naiiwanang nagmamahal, nakahang sa ere! Ganun eh. Ako, aminado ako. Yung ex kong binalikan yung ex niya. Lagi ko talaga inuungkat yung nagawa niyang kasalanan na yun sakin. Halos ipamukha ko sakanya na ganito ganyan. Pero masisisi niyo ba ako kung nagseselos ako? Kasi feeling ko di niya talaga ako minahal. Pero kahit nagawa niya sakin yun, tinanggap ko pa rin siya. Oo, nakakasawa na sa bawat kasalanan niya nagagawa kong banggitin yun. Pero di ba dapat naiintindihan niya kasi kasalanan niya? Eh siya nga eh. Sinasabi niya na kapag daw gumagawa ako ng blog ko puro kasalanan niya ang pinopoint ko. Alam ko namang may naging kasalanan ako sayo. Na may mga pagkukulang ako sayo bilang boyfriend mo. Pero di mo ba maintindihan na kaya ko sinasabi to eh para malaman mo na kahit ganun kasalanan mo tinanggap kita? Pero ako na nagkaron ng pagkukulang sayo, di mo na mabalikan. Well, ganun eh! Wala na tayong magagawa. Change topic. Hahaha! Baka magmessage na naman siya sakin na wag naman kasalanan niya ang lagi kong ipost. Hahaha! Lol.

Sa totoo lang, wala akong maisip na tips para maka-move on. Ako kasi yung tipo ng tao na hirap na hirap mag-move on. Kahit ilang blogs or tips pa ang basahin ko para maka-move on wala talaga eh. Minsan nga sa sobrang gusto kong maka-move on, gumagamit na lang ako ng ibang babae para maka-move on. Alam ko kasalanan yun. Pero dumarating din naman sa point na minamahal ko rin yung tao. Yun nga lang siyempre, yung start nung relationship eh mejo di maintindihan. Kasi siyempre, alam mo naman na ang gusto mo eh yung ex mo. Haayy. Minsan nga, kahit ilang beses na ako nagdasal kay God, binigay ko yung puso ko sakanya para i-heal niya di pa rin kaya. Tulad nung sa isang ex ko. Aaminin ko sobrang nahirapan ako mag-move on. Dahil nga siguro ang gaganda ng pinakita niya sakin. Siya na talaga yung "THE ONE" ko. Nagkakaron man siya ng kasalanan at pagkukulang sakin, kinakalimutan ko yun dahil iba talaga ang nabigay niyang happiness sakin. Siya lang nagparamdam ng sobrang pagmamahal, sobrang pagtitiwala. Pinangakuan ako ng forever. So parang ako, naniwala talaga ako sa forever. Pero unfortunately, walang forever na naganap saming dalawa. Kaya nahirapan ako mag-move on. Halos araw araw akong umiinom. Araw araw akong umiiyak. Andami kong binasang books, links sa facebook, blogs and etc para maka-move on pero wala talaga. Kahit nga bible, halos gabi gabi ko ng binabasa. Baka sakaling maging okay ako. Nag-consult na ako sa pari at pastor pero wala talaga. Until one day, nagkaron ako ng someone. Oo. Someone na ginamit ko para maka-move on. At infairness naman, nagawa niyang makalimutan ko yung ex ko. Pero yun nga. Mejo matagal. At kahit kami na, naaalala ko yung ex ko kasi magkaiba talaga sila. Magkaiba sila ng ugali, magkaiba sila ng ginagawa sakin. Ganun!

Haayy. Wala akong mahanap na words para maka-move on ang mga brokenhearted. Wala rin akong ma-advice. Maybe because, wala talagang words and advices ang makakapagpa-move on satin. Siguro nga, time lang. Time lang ang makakapagheal satin. Time lang ang makakapagsabi kung kailan tayo makakamove on.

At para sa mga nang-iwan saming mga brokenhearted:

Promise! Nauna lang talaga kayong maka-get over sa sitwasyon. Nauna lang talaga kayong maka-move on. Masyado lang talaga kaming naattached sa inyo. Masyado lang namin kayong minahal. Pero darating din kami sa point na makakalimutan namin kayo, makaka-get over din kami, makaka-move on. At darating din ang araw na kayo naman ang iiyak, magsisisi kung bakit nagawa niyo kaming iwan.

At para sa mga brokenhearted, kakayanin natin to. Sabi nga ni Angelica, wag natin idepend yung happiness natin sakanila. Madaming bagay ang makakapagpasaya satin kahit wala sila. May pamilya tayo, mga kaibigan na anjan lang. Sila na lang ang gawin nating inspirasyon para maka-move on. At siyempre, anjan din si God na aalalay satin at magbibigay satin ng lakas para harapin ang lahat. At darating din tayo sa punto na bibigyan tayo ni God ng isang tao na magmamahal satin at magpapatunay na may forever.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?