Hindi nababawasan ang love, PROMISE!!!

I don't know bakit everytime mag-travel ako, may lagi akong dalang love letter from someone in my past. Minsan nasa wallet. Minsan nasa loob ng organizer ko. Grabe! Ang sweet lang ng letter na to. Crinop ko na lang. Kasi gusto ko lang makita niyo yung pino-point ko dito.

Kung di niyo nababasa eto siya:

"Alam mo beh, narealized ko lang. Kahit ano ka pa, kahit may mga pagkukulang ka minsan, MAHAL NA MAHAL PADIN TALAGA KITA. WALANG NAGBABAGO. Kahit di na tayo tulad ng dati. Kahit di na tayo nakakapag-usap. Wala ng masyadong oras sa isa't isa. Kahit may mga pagbabago.. Sa pagmamahal na nararamdaman ko naman, walang pagbabago. Ikaw padin. Sobrang love padin kita. Kahit anong mangyari. Pero sana beh, kahit ganun wag mo na sanang gawin yung mga alam mong ayaw ko. Kasi nasasaktan ako everytime uulit ka sa dati mo ng pagkakamali eh. Wag ng ganun"


One of the reason bakit di ako naniniwala sa nababawasan yung love is dahil dito sa part ng letter na to. I know how much she loves me that time. And she knows how much I love her that time. Na kahit everyday away kami, hindi nababawasan ang love. Kahit minsan nagkakamali ako at nagagawa ko yung ayaw niya, sinasabi niya na hindi nagbabago yung feelings niya for me. Na kahit ang bad ko, pinapaintindi niya sakin na kailangan di ko gawin yun kasi nasasaktan siya. Pinapaliwanag niya na nasasaktan ko siya. Pinaparealized niya sakin na what if siya ang gumawa non? Anong mafi-feel ko? Wala dito sa letter na yung part na yun pero tinanong niya ako ng ganun. Kaya nga, dito ko talaga naramdaman sakanya yung sinasabi nilang true love. Kahit anong meron ka, kahit ano ka pa, kahit anong mali mo, di nababawasan ang love. Kaya nga siguro namimiss ko siya ng sobra pag may problema ako. Kasi alam ko, hindi ko lang siya naging girlfriend. Naging bestfriend ko din siya. Naging nanay. =( lahat ng problema ko, alam niya. Lahat ng problema niya, alam ko. Kung may kulang sakin, iniintindi niya. Yung kulang sakin, pinupuno niya ng pagmamahal. Yung kulang sakanya, pinupuno ko ng pagmamahal. Sobrang laki lang talaga ng pagsisisi ko na naghiwalay kami. Sobrang ideal ang lovelife namin nung kami pa. Gustong gusto ko na siya pakasalan. Bawal pa lang kasi college palang siya non. And bago naman siya grumaduate, naghiwalay na kami. Dahil sa personal reasons na rin. Pero di naman kami nagstop ng love sa isa't isa kahit nagbreak kami. Kasi after ng break up, naguusap pa rin kami. Kinakausap niya ako. Nagstop lang talaga yung paguusap namin dahil siguro talagang nasaktan ko siya. =( basta. Di niyo rin naman maiintindihan. Kaya yun.

Ganun din naman ako sakanya. Kaya siguro ang tagal din bago ako naka-move on sakanya. Oo, minsan naiisip ko.. Sana hindi ako nagloko. At sana kami pa rin. Pero alam ko may plan si God na mas maganda para samin. And I'm happy na nahanap niya na si Mr. Right. Ako na lang ang hindi. Kasi siguro kinarma ako. Lord, 1month na lang. Super tanda ko na naman. Pero wala pa rin akong asawa. =( O ngayon girls and boys, tell me. Do you really believe na nababawasan ang love dahil lang sa mali? Dahil lang sa hindi mabigay ang gusto mo agad agad? Nababawasan? No. I can assure you guys na hindi ganun yun. Walang ganung feeling. Baka kasi yung nababawasan, wala ka na talagang feelings. Sabihin mo na lang kasi na wala na. Papahirapan mo pa sarili mo na sinasabi mong nababawasan? KALOKOHAN. Mga palusot ng babae or lalaking may kinalolokohan ng iba. Hahaha! Pero kung ako sa inyo, sabihin niyo na lang. Sabi nga sa song:

"I'd rather you be mean than love and lie. I'd rather hear the truth and have to say goodbye. I'd rather take a blow atleast then I would know. But baby don't you break my heart slow."


Jess,

When things are confused
I discuss them with you
Until they make sense.
When something good happens
You are the first person I tell
So I can share my happiness.
When I don’t know what to do in a situation
I ask your opinion
And weigh it heavily with mine.
When I am lonely
I call you,
Because I never feel alone with you.
When I have a problem
I ask for your help,
Because your wiseness helps me to solve it.
When I want to have fun
I want to be with you,
Because we have such a great time together.
When I want to talk to someone
I always talk to you,
Because you understand me.
When I want the truth about something
I call you–because you are so honest.
It is essential to have you in my life.

Thanks Yu Ren for making me feel na hindi nababawasan ang love ng isang tao para sa isang tao. The love is still there. Natatabunan lang dahil sa bagong love. Thank you for making me feel na sobrang lucky ako na naging girlfriend kita for 1 year and 10months. Sobrang dami kong natutunan sayo. Sobrang dami kong nalaman. Na ang love, hindi lang sa panlabas na anyo. Hindi lang sa pera. Hindi lang sa culture. Hindi lang porket ayaw ng family mo sayo, hihinto na. Hindi lang sa mga nagagawa mo para sakanya. Hindi lang sa pagiging "malakas" mo sakanya. Pinakita mo sakin na ang love, ang pinakamalakas na enerhiya ng buong pagkatao mo na kukumpleto sayo.

Thank you sa 1year and 10months na kinumpleto mo ko. Xiexie.

Hen Shuai.


Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?