Nababawasan ba ang pagmamahal?

Naniniwala ba kayo na nababawasan ang pagmamahal sa isang tao?

Ako, hindi. Never akong naniwala sa ganung kasabihan or sa ganung pakiramdam. Bakit? Ewan. Basta lang! Kayo naniniwala? Hahaha!

Mahal daw, pero konti na lang. Ano yun? Gasolina? Habang umaandar ang kotse, nababawasan? Pag pataas at pababa yung daan, mas lalong nababawasan? Di naman ganun yun. Ano yun? Everytime may mga ups and down at habang papunta kayo sa road to forever, mas nababawasan yung love? Kasi may lubak na dadaanan etc. hahaha! Kasi nalaman mo na ganito pala ugali niya, hindi niya kayang ibigay sayo yung ibang bagay, may pinagdadaanan ka na hindi niya maintindihan, blah blah blah. Hindi ganun ang love. Ang love, dapat parang wine. Habang tumatagal, mas sumasarap. Ganun dapat. Pero siyempre, di naman natin sila masisisi kung nababawasan ang love nila para satin. Kung sa bawat pagdaan ng araw, nakikita nila yung mga mali satin tapos nauubos yung love. Baka kasi PERFECT sila. Magaling sila sa lahat ng bagay. Magaling sila sa paghandle ng relationship. At baka magaling din sa kama. Tapos hindi masama ugali nila, at wala kang makikitang mali sakanila habang nasa relationship kayo kaya ganun. Kaya kapag ikaw ang may mali, nababawasan yung love nila sayo. Baka ganun. Ang galing ano po? Pero hindi pa rin eh!

Meron akong naging ka-relasyon before. Madami talagang kulang eh. Madaming kulang sakanya. Kulang sa effort, sa sweetness. Hindi nga marunong mag-goodnight! Minsan nga parang di naman kami. Pero kami daw. Hahaha! Hindi nga nag-gugoodbye kiss. Lol. Pero never nabawasan yung love ko for her. Kasi di naman ganun ang love. Ginusto ko siya. Di ko naman siya nilove lang dahil ganito ganyan. Dahil nakita kong sweet siya or blah blah blah. Minahal ko siya kasi yun siya. And tumagal naman ang relationship namin ng 1year. Yun lang, naghiwalay kami kasi nawalan ng time sa isa't isa. College lang ako. 4thyr Highschool siya. Ayun. Pero ang sinasabi ko, hindi nabawasan ang love. Andun pa rin ang love. Andun lang. Meron ngang sabi sa isang quote na ang love naman eh tumatagal lang ng ilang months. Ikaw naman ang gagawa ng paraan para magtagal yun. Para mas lalong maging matatag at para mas lalong tumagal. Hindi yung nababawasan na parang gasolina. Kaya natatawa ako sa mga nagsasabing nababawasan ang love nila para sa isang tao.

Pag nga nag-break, hindi nababawasan ang love dun sa ex mo eh. Andun pa rin ang love. At kahit nga minsan naka-moved ka na sa relationship niyo at nagkaron ka na ng bago, andun pa rin yung love. Yun nga lang, mas mahal mo yung bago. Kasi nga bago. At natatabunan yung love mo para dun sa ex. Pero the love is still there. Hindi mo na lang napapansin or pinapansin. Pero you still care. Kung totoong nababawasan, eh bakit may mga taong hindi pa rin nakaka-move on? Bakit may mga taong nagpapakatanga na kahit ginagago na sila ng mga asawa or boyfriend/girlfriend nila? Naghihintay? Na baka magbago? Umaasa? Umiintindi? Kasi nga, hindi nababawasan ang love. Kaya lang nila sinasabi yun kasi nakakahanap na sila ng iba. Na mas better sayo. Kaya yung mga nagsasabi ng ganun sa mga taong "mahal" daw nila, mas maganda pa kung hiwalayan niyo na yung taong nagpapabawas ng love mo. Hindi siya deserving. Kasi kung talagang deserving siya, kahit anong kasalanan niya, kahit may mga hindi tama sakanya, hindi mababawasan ang pagmamahal mo sakanya kundi ikaw ang pupuno ng kulang sakanya para mas lalong maging matatag ang relasyon niyo.

Comments

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?