GGV: Hugot
GGV: Hugot Queen
Hahaha! Been working 7days a week. Pero may time pa 'ko magblog at manuod nito. Ewan. Crush ko nga kasi si Angelica. Hahaha! Tae ni John Lloyd. Ramdam na ramdam ko gano kasakit yung nangyari sakanila. =(
Sino bang hindi nakaramdam ng pain ni Angelica nung Sunday sa GGV? Pinanuod ko talaga yung uncut and nakita ko talaga na umiyak siya after niya magkwento. Sa totoo, nangyari na yan sakin. (Tangina! Parang si Mar lang! "Nagawa ko na yan") lol. Halos lahat naman siguro ng nagmahal, nangyari na yan. Yung super broken. Na parang ayaw mo ng pumasok sa work kasi wala ka ng reason to work hard.. Yung pagmadadaanan mo yung isang lugar, maaalala mo siya.. Iniiwasan mo lahat ng places, things, animals, songs and etc na nakadikit sakanya. Napakaswerte lang natin na mga simpleng tao kasi di gaya nila na kapag lumabas sila ng bahay, may billboard na makikita. Pag nagbukas ng TV, may commercial. Hahaha! Pero di pa rin. Wala mang billboard yung mahal mo, tangina! Mukha niya ang nakikita mo sa lahat ng tignan mo. Wala mang commercial sa TV yung mahal mo, pero kapag wala ka na sa focus siya yung biglang magpa-pop-up sa utak at sa imagination mo. Fuck that! Hahaha!
Sobrang sakit lang ng naramdaman ko while watching GGV. Parang gusto ko ihug si Angelica. Tapos bulong ko na sana ako na lang. Hahaha! Tapos ibubulong ko sakanya na virgin din ako. Lol.
Hmm.. Eto yung mga question sa vase ganda. Well, gusto ko ring sagutin. Sa part ng mga boys. Or sakin.
* Pano mo malalaman pag di na worth it ipaglaban?
-- kapag may iba na. Sa akin bilang lalaki, iniisip ko na hindi na worth it ipaglaban ang isang girl pag may ibang lalaki ng involved. Di naman kasi para agawin pa natin ulit yung mga taong nagpa-agaw at nagpaligaw na sa iba. Yun ang hindi na worth it ipaglaban. Kasi di maganda na para lang maging masaya tayo, mananakit na tayo ng iba.
* Di naman tanong ang I love you pero bakit kailangang sagutin?
-- not all the time dapat sagutin. Pero kapag in a relationship ka, dapat sumagot ka. If you still love the person. Kasi dun nagstart yung feeling na baka iba na. Di mo na siya mahal blah blah blah. So nagiisip na siya. Nagkakaron na ng space sa utak namin na baka di na kami mahal nito. Teka, maghahanap muna kami ng pang-rebound. Para di naman maapakan ego ko as a guy pag may iba na. Or di na ako mahal. Pero kung single ka, and nagsabi ka ng I love you wala kang dapat hintayin na sagot. Siguro kung nanliligaw ka, pwede. Hahaha!
* Dapat bang maniwala sa second chance?
-- depende. Baka kasi yung second chance, yun pa yung maging reason bakit maging bitter ka. Basta depende sa sitwasyon kung deserving tayo sa chance na yan at kung ready na ba tayo. Sabi nga ni Angelica, dapat buo na ulit yung sarili. Bago magkaron ng second chance.
* Kung may pwede kang balikan na ex, sino at bakit?
-- wala. Lahat kasi may taong involved na. Yung ex kong isa, may boyfriend at ikakasal na. Yung isa, may manliligaw na siyang iba/boyfriend kahit kakabreak lang namin last year! Lol. Bilis magpaligaw eh. Baka gusto niya talaga. Kaya di na ako babalik. Wala na akong babalikan.
Tama din si Angelica na wag nating idedepende yung happiness sa ibang tao. Para kapag dumating sa point na nawala sila, hindi mawawala yung happiness mo. Nakakaiyak. Kasi nakakarelate ako. Hindi lang ako nakakarelate sa part na lumalaban pa. Kasi wala na akong dapat ilaban. Matagal ng talo.
Dear John Lloyd,
Naramdaman ko kung gano ka kamahal ni Angel. Di ko naman hinihiling na balikan mo siya. Pero sana di totoo yung reason na third party kasi sayang talaga! Kung alam ko lang eh, di ko na pinaubaya si Angelica sayo. Hahaha! Lol. Pero alam ko may reason ka bakit nakipaghiwalay ka. Pero sana talaga wag third party.
Your Drinking Bud,
Miguel
Dear Angel,
Akin ka na lang.
Love,
Miguel
Isa lang natutunan ko sa GGV. Kaya ganun kasakit, kasi naging sobrang masaya ka.
Comments
Post a Comment