Dear Ms. Right, Alam ko para sa iba sinasabi nila, walang Ms. Right or Mr. Right. Pero para sakin, meron. Ikaw. Matagal na kitang hinihintay. Kailan ka ba darating? Baka naman dumating ka na? Pinakawalan lang kita? Ano ba talaga? Darating ka pa ba? Sobrang tagal na eh. Ang dami na nilang naghihintay sayo. Yung parents ko. Yung mga friends ko. Gustung gusto na kita ipakilala sakanila. Gusto ko na makilala ka. Or kung kilala na kita, sana naman iparamdam mo sakin na ikaw na ang Ms. Right ko. =) Please. Kasi sa totoo lang, naiinip na ako. Naiinggit ako sa ibang tao na sila, nahanap na nila yung forever nila. Ako, nganga. Baka naman kasi nahanap na kita, pero pinakawalan kita? Or baka naman andiyan ka lang, pero di pa tamang panahon? Kailan ba ang tamang panahon para malaman kong ikaw yan? Bigyan mo naman ako ng sign. Kasi gusto na ng puso kong mamahinga sa sakit na nararamdaman ko. Sa mga nakaraan, at sa kasalukuyan. Kapag nakilala na kita or kapag bumalik ka na sakin, sisiguraduhin ...