6 YEARS

Nakaipit sa organizer ko tong letter na to. Na-feel ko lang, ang sweet at ang effort ko pala? Hahaha! Dati lang yata yun. Ngayon hindi na. Bakit nga ba? Sabi nga ng mga friends ko, sakanya lang daw ako nagpakita ng effort na ganun. Sa iba, hindi. Hahaha! Eh kasi nadala na ako. Sweet at ang effort ko. Ganun din yung naging girlfriend ko. Tapos yung next, hindi na. Minsan talaga, hinahanap hanap natin ang isang bagay sa mga susunod nating mamahalin. Pero di dapat ganun. Dapat tanggap natin kung ano yung kaya nilang ibigay. Pero minsan di natin magawang hindi ma-compare kung ano yung pinaramdam ng iba sa pinaparamdam ng iba. Kaya minsan, nagsisisi tayo. Haayy. Sa totoo lang yung next girlfriend ko after ni Jess, hindi ma-effort. Walang ka-sweet sweet sa katawan. Kaya minsan napapaisip ako pag sweet siya sakin. Baka may kasalanan siya. Ewan. Hahaha! Kahit alam kong minahal niya ako, di ko talaga na-feel. Kaya siguro nagloko ako. Nagpakita ng effort din ako sakanya. Nung birthday niya. Pero wala eh. Di talaga ganun na-appreciate. Unlike nito.

Di naman Thursday ngayon pero napapa-Throwback ako. Nakakamiss kasi. =) pero isa lang natutunan ko sa letter na to. Lahat ng babae, gusto ng effort. Pero minsan kahit di naman ma-effort basta lagi kang anjan sa tabi niya, okay na siya. Napaka-simple lang ng mga babae.

Kaya boys, please. Siguraduhin niyo na mamahalin niyo yung mga girlfriend niyo. I-appreciate niyo sila. Lalo na yung mga unique. Yung mga babaeng sweet at mapagmahal. Kasi minsan lang sila dumating. At pag wala na, wala na.

Sa bagong boyfriend ng ex ko:
I swear! Napaka-swerte mo sakanya! Sana ingatan at alagaan mo siya. Di gaya ng ginawa ko, iniwan at pinabayaan ko lang siya! I'm happy na nahanap ka na niya.

Comments

  1. Guys are always like that ma aapreciate lang kapag wla na i dont mean to offend you pero reality yan e.... thats life!!! #ithurtssometimes

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman. =( don't judge me. Hindi mo alam pinagdaanan ko.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.

PANAGINIP: pwede bang maging totoo?

Pano maging isang mabuting BOYFRIEND?