SIGNS na hindi ka pa nakaka-move on sa EX mo.
Tawang tawa ko ng makausap ko yung friend ko via viber. Tumawag siya sakin. Sabi niya, "putanginang ex ko! Hayop talaga siya! Nagpunta sa office! Hinatid yung bagong girlfriend niya na officemate ko! Putangina talaga! Sarap putulan ng ****" sabi ko, akala ko ba naka-move on na siya? Sabi niya, oo daw! Naka-move on na siya. Pero bwisit daw! Kasi alam daw talaga pano siya bubwisitin. Hahaha! Tawang tawa lang ako. Kaya naisip ko.. Ano ba ang mga signs na hindi ka pa nakaka-move on sa ex mo? Eto:
1. Feeling mo naka-move on ka na. Hahaha! Totoo! Yung tipong feel na feel mo na hindi mo na siya naiisip, hindi mo na siya naaalala. Lol. Pero ang totoo, hindi pa talaga! Feeling mo lang yun. Bakit mo iisipin na sakanya ka kaagad naka-move on? Kasi naging karelasyon mo? Bakit guilty ka at sasabihin mong okay ka na? Kasi ang totoong naka-move on, hindi sasabihin sa iba na naka-move on na siya. Nasa action na talagang wala na. Wala ng galit, wala ng kahit anong nararamdaman kundi happiness. Kahit na anong ginawa ng ex mo sayo. Sinaktan ka, niloko ka, pinagpalit ka sa iba.. Wala ka ng mararamdamang galit. Dahil dapat, masaya ka na. =)
2. Kapag nababanggit ang pangalan niya, dapat di mo siya tinatawag na KUPAL, GAGO, TARANTADO or whatsoever na pwedeng itawag sa hayop mong ex. Dahil kung naka-move on ka na, dapat nirerespeto mo na siya. Magiging mature na yung pag-iisip mo na baka kaya nangyari yun sa inyo is because may taong bagong darating para pasayahin ka. So ikaw, di mo na siya tatawagin ng bad. Kasi may pinagsamahan naman kayo. Napasaya ka naman niya. Db?
3. Hindi mo na sasabihin sa iba lahat ng ginawa niyang mali sayo. Yes girls and boys, okay lang naman magkwento. Pero para idetalye pa ang bagay na ginawa ng ex mo sayo, parang mejo hindi ata maganda. Halimbawa, nag-break kayo dahil may iba siyang babae. Di mo na sasabihin sa iba na dati eh sinampal ka niya or kinulong ka niya sa ganito. Dapat lahat ng lumalabas sa bibig mo tungkol sa ex mo ay positive lahat. Kasi kung paninira lahat yan, ay nako! Alam namin. Kahit ganun ang ginawa niya sayo, babalik ka pa rin sakanya kung sakaling magmamakaawa siya.
4. Hindi mo pa siya napapatawad kahit humingi na siya ng tawad sayo. Ilang beses na siyang nag-try magsorry at kausapin ka para magpaliwanag pero di mo talaga siya mapatawad.
5. Binablock mo siya sa lahat ng mga pwedeng iblock. Kasi ayaw mo na siyang makita. Ayaw mo na siyang makausap. Pero sa totoo lang? Gustung gusto mo na habulin ka niya or puntahan ka niya personally para magusap kayo.
6. Naiinis ka pag nadidinig mo yung kanta niya sayo! Pinapapatay mo yung radio, yung cellphone at kahit sa TV. Hahaha!
7. Iniiwasan mo lahat ng bagay na makakapagpaalala sakanya sayo. Dahil kung talaga namang naka-move on ka na, kahit araw araw mo pang daanan ang lovers lane sa UST, di mo na siya maaalala. Kasi alam mong wala kang ibang dadaanan papunta dun kapag di ka dumaan sa lovers lane.
8. Hindi ka nakakatulog ng mahimbing sa gabi kasi alam mong may iniisip ka pa.
9. Natutulala ka pa rin.
10. Naiirita ka sa mga lovesongs na naririnig mo. Kahit hindi naman lahat ng lovesongs eh tungkol sakanya. Feeling mo ikaw pa rin ang pinapatamaan kahit iba naman talaga meaning nung song.
11. Nagpaparinig ka pa sa status mo sa facebook, sa twitter or IG na gusto mo ng ganitong boyfriend/girlfriend. Dahil feeling mo iniistalk ka pa niya. Lagi mong hashtags ang #RelationshipGoals
12. Feeling mo ikaw pa rin ang mas maganda/gwapo dun sa bagong boy/girlfriend niya.
13. Iniistalk mo yung bago niya. Kung anong pangalan, sino siya, pano sila nag-meet. Sinisilip mo pa lahat ng pics nila. Kung gano siya kasaya. Tapos napapamura ka. Hahahaha!
14. Sumasama ka sa lahat ng gatherings or party na pwede mong puntahan. Tapos magpapaganda or gwapo ka. Para makita nila or mapakita mo sa iba na okay ka na. Pero ang totoo? Hindi nakikita sa pagiging maganda, gwapo or blooming na naka-move on ka na. Nakikita yun sa ugali, sa mata at sa ngiti. Kung totoong happy ka. =)
Ang pagmu-move on ay hindi pinipilit. Hindi minamadali. Kasi mas lalong pinipilit mong kalimutan ang lahat, mas lalo mong naiisip. Mas lalo kang nasasaktan. At mas lalo mong binabalik-balikan. Take time. Mag-travel ka. Mag-blog ka. Magbigay ka ng oras sa sarili mo, sa family mo, sa mga kaibigan mo. Kasi di mo na mababago yung past. Hindi mo na pwedeng balikan lalo na kung gusto mong mag-move on. And darating ang panahon na lahat ng sakit mawawala. Lahat ng gusto mong kalimutan, makakalimutan mo. Yun nga lang, darating din ang panahon na lahat maaalala mo. Lahat ng sakit na naramdaman natin nuon, mararamdaman ulit natin. At ang true love, minsan bumabalik. Pero atleast, nagawa na nating makayanan yun. Kaya sa susunod na masasaktan tayo, maaalala natin ang nakaraan, okay na okay na tayo. Kasi nagawa na natin na magpatuloy sa buhay ng hindi na naiisip yun. Uulitin mo lang ulit yung ginawa mo.
At higit sa lahat.. Wag natin kalimutan na magdasal kay God para maka-move on tayo sa mga ex natin. Dahil si God, tutulungan kang mag-heal. Tama sila. Minsan talaga panahon ang nakakapag-heal satin. Pero minsan, kahit sa matagal na panahon.. Hindi pa rin naghihilom ang sugat na nadulot nila. Kasi alam mo sa sarili mo na ang makakapagpahilom nun ay sila din. =)
thank you for this, though may ilang parts na parang di applicable or ndi lang un ung reaction or gagawin ko. anyway. thanks! Godbless!
ReplyDeleteWelcome 😂
DeleteDi ko alam kung naka move na ba talaga ako sa ex ko. Madaming beses na siyang nanguliy kung pwede ba kami nalang ulit,ilang beses ko na rin nireject pero yung sinabi niya na "Hahahah hayaan mo last ko na na pangungulit to" nalungkot ako tapos kinabukasan inaantay ko yung chat niya,naka open lang yung chat namin nagbabakasakaling mag chat siya pero hindi. Hindi ko alam pero naiyak ako that time.
ReplyDeleteHahaha! May mga taong sinasabi na hindi na sila mangungulit pero kukulitin ka parin. Sila yung mga taong gustong maayos kung ano man yung nasira. Pero kapag dumating sa point na hindi ka na talaga niya kinulit, wala na yun. Mahal ka niya pero siguro pagod na rin naman siya. Ikaw na nagsabi, ilang beses ka na rin ni-reject. May mga tao na mahal ka pero napapagod din. Umaayaw din.
DeleteNakita nya un ex nya umiwas xa kc iniisip nya daw ak anu kaya un mahal pa kya nya ex nya
ReplyDeleteSometimes I wish may website na pang broken noh?? Pero salamat sa journal mo it helps me to understand things.. KC Hira p parin ako mag move on...
ReplyDeleteBasta po pray lang tapos divert kapag naiisip mo totally basahin mo bible isipin mo mga kwento mga Tao doon na nagsuffer pero sa huli nagtagumpay
DeleteThank you po dito medyo nasagot yung tanong ko kung talagang MOVE ON na ako😆
ReplyDeleteParang tinamaan talaga ako..kc for 6yrs nagka osap kami ni ex ko..kc befor nag hiwalay kami hindi kami nag oosap..basta nalang nag disisyon ako na iwan cxa kc ramdam ko may iba cxa😢😢
ReplyDeletePero nag kita last day.nag explain cxa at huminge cxa ng tawad sa mga nagawa nya befor😊pero dko lang sinabe sa kanya tll now dipa talaga ako nka move on ng tudo kc subrang mahal ko😂pero thank u padin kc naliwanagan na isip ko at need na nga namin mag move kc may mahal nadaw din daw cxa😢
Ang sakitðŸ˜ðŸ˜
Thank u po dito sa inyo nabasa ko to my na learn ako.
Need ko na nga talaga cxa kalimotanðŸ˜god bless.
Mahirap kalimutan si ex dahil nagkaanak kami 😣
ReplyDeletePano pag pag yung girlfriend mo ngayon. Kahit sa mga phone may bakas padin ng mga senti song nya sa ex nya? Kahit kame na suot nya padin sing sing ng ex nya? Help me plss diko na alam gagaaim ko
ReplyDeleteBakit paulit ulit niya parin ako binoblock sa lahat ng app . E same lang naman na kame may mga bagong karelasyon ? Ano puba ibig sabihin nun? Thank u po sa tutugon
ReplyDeletePaano ba makapag move on if may anak kayo na halos everyday magkikita at magkikita kami kasi kukunin niya anak namin, Ang hirap lang kasi pagod ka na sa kahahabol pero pagnakita mo sya babalik na naman. paano e cut yung communication namin if yung anak ko naman palagi syang hinahanap. sabi niya ayaw na daw niya hindi na ako mag expect, pero sa actions niya naman iba. sana mabigyan mo ko ng advice kung paano kahit konting tips lang para maibsan rin tong nadarama ko.
ReplyDeletekapag inunfriend ka nya sa fb 2 days ago pagtapos nyo mag break ano ibigsabihin non?
ReplyDeleteHinde ko alam if naka move on naba bf ko sa ex nya : ( well yahh hinde nanya sinisiraan hindi rin sya naiinis ganun duda lang ako Kung saan mas higit ang pagtrato nio saken ba o ss ex nya😠Kung saan sya mas mabait ðŸ˜
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThank You and I have a keen supply: What Is House Renovation house renovation channel
ReplyDelete